Anong advice niyo para sa single friends niyo?
Isa ka ba sa mga nauna na nakapag-asawa sa barkada niyo? Ano ang maipapayo mo sa mga single friends mo tungkol sa pag-aasawa? ??
Be wise sa pagpili ng makakasama mo panghabambuhay. Yung mga nagiging jowa kasi na akala mo kilalang kilala mo na, hindi pa pala lalo kapag nagsama na kayo sa iisang bubong. For girls, Observe mo kung pano niya itrato mama nya or kapatid nyang babae. At observe mo dn values nila sa bahay pati pano itrato ng papa nya ang mama nya kaso ganun ka din nya itatrato. Hindi man lahat pero mostly. Tignan mo dn kung matured sya magisip sa mga problema. Pati na dn kung pano sya magalit. At pati na dn circle of friends nya. Minsan kasi mga kaibigan nya pa mismo magtotolerate sakanya sa mga gngwa nyang mali. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Kaya choose wisely. Mahirap ung nagsasama nalang kayo para sa bata pero hindi nyo na mahal isat isa o kaya patong patong na yung galit nyo sa isat isa. Narealize ko kasi na hindi pala sapat na porket mahal mo e ok na. The more na mas nakikilala mo sya in a negative way, the more na nawawala ung pagmamahal. Lalo na kung mumurahin ka o sasaktan ka pa pag galit sya. Ps. Sana dn hindi ka mapunta sa lalaking hindi kaya tumayo magisa. Na kailangan bawat galaw kasama ang parents nya
Magbasa paAng natutunan ko sa pag aasawa, hindi mareresolba ang problema kung magsisigawan kayo. Kung may ayaw ka, sabihin mo sa kanya ng maayos. Pakinggan mo din ang opinyon nia tsaka kayo magdecide ng dapat gawin. Hindi ito yung pag may tampuhan, panakot mo yung "break na tayo!"...π Wala ng ganon. π Ang problema nia, problema mo din and vice versa. Kaya pag isipan at pakiramdamang mabuti ang pag aasawa. Hanapin mo yung ramdam mo ang respeto, yung may respeto sayo at nirerespeto mo din. Kaya kang ipagmalaki at kaya mong ipagmalaki. π
Magbasa paenjoy life while young and single. someone will come on your way na masasabi mo sya na. pero advise ko lang kilalanin mo muna mabuti bago nagsettle down para Hindi ka magsisisi sa bandanghuli. make it sure na ikaw ang masmahal nya para alam m Hindi ka nya kayang saktan. basi sa experienced ko, I check mo kung ok relationship sa family nya lalo na sa ina at mga kapatid nya babae. dahil dyan mo makikita kung pano ka nya pahahalagahan at aalagaan.
Magbasa paWag mag expect na kung pano kayo nung magjowa palang eh ganun hanggang sa mag asawa na. Malaki ang pagbabago once na naging mag asawa na. Pagiging sweet nandun pa din ligawan eksena nandun pa din pero madami madadagdag gaya ng kelangan asikasuhin mo asawa mo at mababawas na yung dika na basta basta makakalabas kelangan magpaalam na ganun hahaha pero depende pa din sa inyong mag asawa yan
Magbasa paChoose the one who loves you at your worst, Sis, choose wise talaga mahirap talaga yung buhay may asawa lalo pa if yung napunta sayo is yung hindi pa ganun kamatured sa lahat ng bagay na pwede niyang kaharapin o kayong dalawang magasawa, sana ganun lang din sana sila magisip katulad ng mga pagiisip nating mga mommy hays nalulungkot ako sa nagiging situation ko right now, hays
Magbasa paIpagpray maigi ang magiging partner. dahil iba ang mag bf gf sa mag asawa. even trials are different. mahirap sya hahaha. kaya wag magmadali at magpakasaya muna sa pagiging single. π Iready ang sarili. but eventually magiging ok nmn lahat with patience and acceptance, adjustments ng mag asawa. ππ»
Pag isipan mo maigi wag ka mag decide mag asawa dahil na ppressure ka or napipilitan ka. make sure financially ready ka para d ka aasa sa asawa mo. Lalong lalo na di kayo titira sa byenan niyo. Piliin mo yung susuportahan ka sa kahit ano at ang goal ay pangalagaan ang pamilya niyo.
No need to rush. May tamang panahon para pag-aasawa. Mas mgandang matagpuan at makilala mo ang tamang tao para sayo. Ienjoy din ang buhay single dahil kapag nasa point ka na nkapag-asawa at nagkapamilya na. Di na lang sarili mo ang iisipin mo, kundi pamilyang binuo mo.
Pag isipan ng mabuti ang pagpapakasal ng maraming beses . If your partner can make you happy for life then marry . If you can make your partner happy for life get marry . And most of all if both of you can make your child happy then get married ..
Chill ka lang bes π wag magmadali at palaging ipag pray na sana maging mbuti at mabait ang iyong the one. Ienjoy ang pagiging single kasi hindi madali ang buhay may asawa. Mag ipon kna ng mahabang pasensya at pang unawa para iwas gulo π