Uncomfy Baby

HELP mga mommy, FTM po ako, ayaw tumigil ni baby kaka iyak amd hirap sha matulog, mayat maya umiingit po sha. Ayaw naman po nya dumede since madami dami na po nadede nya. Bakit po kaya ganun? Thank you po sa sasagot!

Uncomfy Baby
42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat magburp sya lagi after dumede kasi baka kinakabag at lagi mo palitan diaper.. ihele mo lang ganyan talaga ang newborn baby... madaming pwedeng dahilan yan kaya sya umiiyak pero isa lang ibig sabihin nyan, hindi sya kumportable.. ganyan din baby ko noon sobrang nakakapuyat.. pagtiyagaan mo lang po kasi magbabago din yan.. iswaddle mo sya effective un pero dapat hndi mainit sa kwarto .. si baby ko nakaswaddle lgi lalo sa gabi hanggang mag 2 months sya..hinahanap kasi niya ung comfort na nafifeel nya noong nasa tyan pa sya.. iswaddle mo sya kung ayaw mong sanayin sa karga..at magpatugtog ka yung pure heartbeat sound lang search mo sa youtube ung pang baby kasi si baby po sanay yan na marinig yung heartbeat mo.. mas effective ang heartbeat sound kesa white noise.. aralin mo yang mga yan pra d ka mahirapan masyado.. wag na wav mong bibigyan ng pacifier para tumigil sa pag iyak kasi ikaw ang magiging kawawa pag naging dependent sya sa pacifier.. patience is a vritue..yan na ang new normal mo sa ngaun hehe

Magbasa pa

Baka po mahina yung supply nyo momsh. Check nyo po kung madaming milk ang nasisipsip nya pag nadede sya. Or baka naman may colic si baby. Lagyan mo po manzanilla sa tyan pero konting konti lang po sa isang daliri mo ilinya mo lang sa tyan. Pag naiinitan ka po, naiinitan dn si baby suotan nyo po sya sleeveless para makaluwag sa pakiramdam. :) Sana makatulong.

Magbasa pa
5y ago

Its not just the supply, baka din po kako may colic si baby or naiinitan. Any of those would be a possible cause.

nag aadjust pa ksi si bby nyo po 😊 tiis2 lang moms... 4mos above mkaka adjust na si bby... di kna ma.prapraning sa iyak nya... wag nyo po balutin masyado ksi bby ko ayaw talaga pag binabalot... lagyan nyo po ng manzanilla ang tyan ni bby, burp pagkatapos dumede..at patulogin nyo sa chest nyo po...effective yan 😊 hihimbing tulog ni bby...

Magbasa pa

Baka may colic (kabag) try mo paututin sis exercise mo mga legs parang bicycle hanggang sa mautot ganun lang ginagawa ko pag may kabag baby ko nuon turo saakin ng pedia ko nuon. Try mo din paburp.. pwede dn naiinit sya. Wag mo masyadong balutin sis kasi naiinitan din sila lalo ngaun.

Naku momy tingnan mu nga damit ng baby ku ang init taz nakabalot pa sya. .. Sandohan niyo lang po at lagyan ng medyas ang paa .. Kaya irritable c baby kc ang init n ng panahon ngayon ... Sando lang muna ipasuot mu at wag balutin mabute. .

Magbasa pa
VIP Member

naiinitan po yan momsh.wag nyo po sya kumotan at ano po ung tela sa ulo nya po. daming nakapatong kay baby na tela naiinitan yan dahil sa panahon natin ngaun tayo ngang adult we feel uncomfortable sa init ng panahon ang baby pa kaya.

hnd sya nakakaburp ng maayos... try mo muna paburpin at ihiga sa dibdib mo ng matagal pero dapat elevated ang body mo hnd ung naka lay back flat ka sa bed.. baka kc di makahinga maayos baby mo.

Hilot mo konti un tiyan bk my kbag, ihele mo sya pr humimbing phelp k dn s asawa mo or mother mo pgnstress kn ky baby kung bkit ayw huminto s iyak take a break k bgo mo ulet krgahin c baby

VIP Member

Check the following kapag newborn 1. Gutom - padedehin 2. Busog - i-burp mo siya 3. Diaper - baka puno na 4. Naiinitan - kung di po kayo naka-aircon, huwag masyado maraming saplot.

Magbasa pa

Ganyan po talaga pag newborn babies mahirap maka sleep..maya maya gising. Pag di gutom, haplasan baka may kabag, or baka may poop diaper ,or msy rashes...or naiinitan /nalalamigan.