HELP PLEASE

Help mga mamsh nagtatae kasi ang baby ko(6months n 1 day old) estimated ko since january 6 pa. Nag pacheck up kami nung january 13 at niresetahan siya ng Metronidazole at dilfur for 10 days peru natapos na namin ang gamot sige pa din ang pagtatae niya up to now 3-6x siya nagpopoop peru tigkonti lang naman at my kasamang mucos at di naman mabaho ang poop niya. Peru bumibigat pa din ang timbang niya. Masigla at maayos naman siya tignan irritable na nga lang ngayun. Nka hydrite lang sya araw araw Sabi naman ng nga in-laws ko baka daw nagngingipin na. Im asking here kasi di na muna ako nagpadoctor kasi every month na lng nasa doctor kami laging my antibiotics ?? salamat po sa mkakatulong ?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy nagtae din baby ko last month. Sabi ng pedia hindi reason ang pag ngingipin kaya nagtatae. Nagtatae sila dahil sa mga sinusubo niya. Ang nireseta sa amin ay erceflora at hidrasec for 1 week. Naging okay naman poop ni baby. Lagi mo po punasan kamay niya mommy dahil sa ganyang age sobra silang magsubo ng kamay at ng mga bagay na nahahawakan nila. Doon nila nakukuha germs kaya sila nagtatae. Kung di ka po mapalagay mommy pa stool test ka po at punta na kay pedia.

Magbasa pa
5y ago

Welcome Mommy. Sana okay na si.baby 😊