20 Replies
For me, wag mong pilitin kung ayaw hindi naman dahilan ang Bata para magpakasal though wala naman may gusto na hindi buo pero kung ganyan hayaan mo na muna. As from my history, 5yrs kaming nag live-in ng asawa ko, atat na atat ako nun na pakasalan nia ako kasi lespu sia syempre big deal ang makasal at maligal sakanila I mean lahat ng benefits e sa anak at asawa. Lagi namain pinag aawayan nun yun gang nag abroad ako pero uuwi uwi din, sakto mag 6yrs kami pumayag na sia magpakasal kami pero sa civil lang kung dkopa bibiruin nun dpa sia mag dedecide. And eto na nga, mag 7yrs na kame sakto nabuntis ako kasi nga umuwi din ako from abroad to build may own family mag trenta narin kasi ako so bale pinag palit ko yung career ko sa abroad because of him, pinili ko sia. Sakto nagkaanak kami. And eventually mula nabuntis ako hanggang nanganak till today na 9mos na baby namin nag bago sia, unti unti siang nagbago. Nag away kami nung December dahil mas importante parin ang Pamilya nia sakanya, mga magulang at kapatid, mula nun hanggang ngayon we’re not that typical hubby and wife na, bnibisita nalang nia bata and nag bibigay ng sustento. Sobrang sakit sa part ko pero pagod narin ako. Civil nalang kami just for our baby. Nagsisisi ako na nagpakasal pko sakanya kung ganito lang din pala ang kahihinatnan. Kaya momsh, pag isipan mong mabuti ang magpakasal though hindi masamang asamin na buo ang Pamilya mo, pero masakit pag ganyan na hindi naman buo ang bf mong pakasalan ka. Mahirap ang mabilanggo sa isang bagay na pagdating ng araw pag sisisihan mo bandang huli.
I understand how you feel sis.. like me, I’ve been with my bf for almost 4yrs, nung nalaman kong preggy ako I thought he would be happy pag nalaman nya pero tulad ng reaction ng partner mo ganon din ang partner ko parang nashock sya, parang di sya masaya na dumating kami sa point na araw araw kami nagtatalo kasi pakiramdam ko di sya talaga happy na buntis ako pero tulad nga ng sinasabi nila lagi, kailangan lang talaga mag usap and maging open ang bawat isa sa nararamdaman nila, nabigla lang sya, kasi di rin namin ineexpect pareho pero after mapag usapan and prayers din for the Lord to open and clear my partner’s mind and heart with the situation, everythings changed.. bumawi naman sya sakin and sa magiging baby namin, sya pa yung ang dami daming naiisip na ipapangalan sa baby and ang dami na nya plano sa baby namin paglabas.. Ako personally, hindi kasi ako naniniwala na kailangan ikasal kayo agad agad dahil nabuntis ka, as long as iacknowledge nya yung anak namin and magpakatatay sya samin and happy naman kami yun muna ang importante sakin.. pero iba iba din kasi tayo ng pananaw and gusto sa buhay.. Pray ka lang sis.. things will get better, I know mahirap na hindi isipin pero isipin mo na maaapektuhan din kasi si baby pag nastress ka masyado.. Praying for your peace of mind as well.. :)
Maraming salamat po...
Mejo same situation tayo sis. Im 25 and he his 30 y/o . Nung nalaman nyang buntis ako tulala dn sya. Ung ineexpect ko na pag nalaman nyang buntis ako is magwawala sa saya pero hndi hahaha. Tulala sya at d makapaniwala na parang sinasabi nya na hndi pa sya ready 😂 whch is matagal na namin balak . Pero ung anjan na parang nanlumo sya . 3mos akong stress dahil nag iba ang trato nya sakin. Nambabae sya at nanumbat na sya na pinikot ko sya , tpos laging galit sa maliliit na bagay na hndi naman sya gnun dati. nagbakasyon sya sa macau ng isang buwan whch is hndi na nagparamdam, blinock nya ko at pati account ng parents nya iblinock nya ko 😂 masakit pero hinayaan ko sya sa kagaguhan nya , dahil kakampi ko ang karma . May access ako sa email nya at nalaman ko nakikipagtinder sya aa macau 😂 masakit pero wala akong magawa. Hinyaan ko pa dn sya sa ginagawa nya. Isang araw malapit na syang bumalik ng macau nagparamdam sya at gstong mkipagkita sakin pagkauwi nya. At hayon nkipag ayos at nrealize nya lahat lahat . Nabigla lang daw sya sa ngyri . Naghingi ng tawad at babawi sya samin ng anak nya. And now so far pinaninindigan na nya ung sinabi nya . Kaya hayaan mo lng sya sis. Marerealize dn nya yan lahat ng gngawa nya.
😥😥sana nga po.. pero maraming slamat po
To other people out there who would like to express their opinions, please never say na "Arte lang" yung nararamdaman ng isang tao kasi we'll never know what everyone's going through. Gets naman natin point nya, ayun nga they've been planning to get married and they're having sex (kaya nabuntis diba). Now, dapat naisip na ng guy na once na makipagsex sila, there will always be a chance na mabuntis gf nila. Pero wala eh, just like what other moms say here, maybe ready siya sa marriage pero di sa responsibility na maging tatay agad kaya kumbaga naoverwhelm siya. Maybe he's thinking talaga na he's not ready. Mali lang nya sarili nya lang ata iniisip nya. Besides sis, di naman mahalaga kasal eh (for me ha). Pero if it's really important for you and you really want to get married, make sure na ready kayo parehas. Kung gusto niya magpakasal right now, mag-ooffer yan sayo kaso hindi. Now the question is, pinababayaan ka na ba niya ngayon? Wala ba siyang paki sa pregnancy mo or di nya ba kinakamusta si baby mo? If that is the case, maybe think twice sis. That man is not worth marrying.
Maraming salamat po sa comment.
4 years kami nung boyfriend ko nung nabuntis ako pero never akong nagbanggit ng kasal sa kanya, kasi ayoko non. Wala akong pake kung pakasalan niya ako or hindi kasi sa totoo lang kahit okay kami, feeling ko single parent ako. Gastos ko simula magbuntis ako hanggang sa panganganak. Ngayon solo lang din akong nag aalaga sa anak ko. So far, apat na pack palang ng diaper ang ambag niya dahil naka maternity leave ako at gusto ko na siyang hiwalayan dahil sobrang buhay binata pa mag-isip at hindi responsable. Di naman assurance ang kasal sis. Di porket nabubtis ka, kasal na agad. Baka magsisisi ka lang sa huli.
Maraming salamat po sa mga comment.. 😍
Pregnancy really messes with your hormones kaya extra emotional talaga at this time. Nakakahanga ka for having the courage to go through this on your own, but it would also be good not to push people away. After all, we really need all the help we can get. Try to understand your boyfriend din baka naoverwhelm siya sa responsibilities (of having a child and getting married). If he’s willing to stay as your partner and as a father, I think you should accept him not for you but for your baby :) Marriage can wait, but there’s no better time to build a family than the present.
Sis I know you expect too much from him. I was once engaged too and sa Hindi inaasahan na na buntis ako. Tatlong pt nayung pinakita ko sa kanya pero Ang Sabi Niya Lang is baka may mayuma ako Kaya nag positive and Hindi na ako dinadatnan. Until sa na laglag Yung baby na akala ko mens Lang kasi puros dugo palang. We hurriedly go to hospital Kasi Sabi ng aunt ko, I was miscarriage. Galit na galit ako sa sarili ko, because I was too dumb to listen to him and Sana may nagawa pa ako to save my baby. I'd realize na he's ready to get married but not on having a child.
Congrts po... ☺️☺️
Meron po kasing ready magpakasal pero di pa ready maging magulang. What I mean is gustong magpatali pero ayaw pa ng responsibilidad. Hindi ko man po alam bakit naging ganyan reaksyon ni bf mo pero sguro kasi naiisip nia na yung para sana sa pagpapakasal nio eh ilalaan nlng muna kay baby. Baka po need nio mag usap ng heart to heart? Baka po kasi mali po kayo ng interpretasyon sa reaction nia. Anyways, be strong mommy. Kung ayaw man nia po sa inyo eh kayanin mo po mag isa, magpakatatag ka po para sa baby sa sinapupunan mo. 😊
Thank you po...
Sana po nagpakasal muna kayo. Mahirap kasi ibalance ang expenses ng kasal at pagkakaroon ng baby unless nakaluwag luwag kayo sa buhay at kaya nyo naman po pagsabayin pero as a man syempre nasakanya yung pressure gaya nga ng sabi mo ang dami nyang iniisip. Mag usap po kayo ng masinsinan about sa future nyo kasi di naman na kayo bata. But then sana nga nagpakasal muna kayo bago nagbaby pero wla na tayo mggwa dun, usap n lng kayo
Meron kase sis na gusto na magpakasal and enjoy muna yung moment na dalawa lang muna kayo. Siguro naoverwhelm lang ang bf mo sa magkakababy na kayo. Women are strong, and they get stronger lalo pa may baby na. Need niyo magusap ng bf mo sis. May karapatan pa din siya sa bata kahit papano. And as of this point na preggy ka kelangan natin ng katuwang. Pagusapan niyo from time to time magiging okay din yan.
Salamat po
Anonymous