ANONYMOUS

Hellooooo, may aask lang. Ganto kasi, yung parens ko sobrang strict, to the point na nakakasakal na. One time may plan akong ipakilala sakanila bf ko kaso nung narinig nila yun, binantaan nila agad na susuntukin nila bf ko or the worst, babarilin. So natatakot na ako magdala ng lalake samen ngayon. Then at this point, naiisip ko na lumayas at magsama kami ng new bf ko. I already have a daughter na din, tanggap naman ng current bf ko yun. Okay lang ba na magstay muna ako sa bf ko kahit ilang araw, tapusin ko muna midterms ko sakanila? Then saka ako uuwi? Inaalagaan naman ng tatay ko anak ko.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

iha huwag ka padalos dalos. nadapa ka na nung una gusto mo ulit madapa. ang unahin sa ngayon ang makatapos at magfocus ka muna sa iyong anak. kung gusto ka talaga nf bf mo hindi ka niya hahayaang makituloy sa bahay nila dahil sa mababaw mong dahilan. huwag mo unahin ang kapusukan. i priority mo ang pagaaral para makatapos at matulungan parents mo para sa mga nasayang na panahon. kapit ka lang at manalig.

Magbasa pa