chat frm my baby's father

Guys please uplift me. Nilalabanan ko yung sakit para naden sa mga anak ko. Matagal ako nagtiis sknya, away bati away bati, kasal na di natuloy, lageng pambababae pero pinapatawad ko. Until tumigil nko at sabe ko na ayaw ko na. Pagktpos ko manganak nanigurado lng pala sia na iapelyido sknya ang bata. Now 1month nden sia wlang suporta as you guys can see nman kung ano sinabe nia. Mag3mos plng baby ko. Advice nman guys ang hirap solohin neto ?? Yung message na yan galing sa messenger nia naopen ko via gmail.

chat frm my baby's father
535 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Good thing hindi kayo ikinasal. Pabayaan mo sya momshie, kakayanin mo yan. Pwede kang maghanap ng work kapag medyo lumaki na si baby. Kung yung usaping sustento naman pwede mo syang kasuhan ng VAWC, dinedeprive nya yung anak ninyo financially. Kahit pa sabihin nyang hindi kayo kasal kaya wala kang habol, isampal mo sa kanya yang article about VAWC. Tarantado talaga ibang mga lalaki eh, pasarap sa kama kapag nakabuntis nawawalan bigla ng bayag.

Magbasa pa

Iwan mo na mamsh, syempre di ganun kadali kasi mahal mo lalo na at tatay ng anak mo, pero self love and self respect is very important. Ikaw lang ang talo kapag pinagpatuloy mo pa yan emotionally and mentally, just saying. Kayanin mo para sa anak mo. Ngayon, pwede mo sya ng kasuhan para obligado syang magbigay para sa baby nyo. Or else kapag di sya ng bigay diretcho sya sa kulungan. Goodluck mamsh kaya mo yan, kayanin mo para sa baby mo.

Magbasa pa

You don't need an immature man in your life. You can find a better man or you can have a better life without him. Kesa ituro nya pa maling gawain sa anak nya. Its an opportunity or a chance for you to live a new life, hindi sya kawalan. Don't put your life and your baby into a lifetime suffering sa taong yan, so please cut it off. Be safe and be strong girl, God is always with us. And God will provide. Trust Him.

Magbasa pa

Alam mo ba si lord lang ang may alam ng lahat!. Kaya ilapit o sabihin mo kay lord ung problema mo si lord lang ung takbuhan natin sa ganyan mga pagsubok sa buhay. Ipagkatiwala mo kay lord ung desisyon mo sa magiging buhay ng anak mo kung mag hihiwalay kayo. Kung baga isuko mo sa kanya iiyak mo kay lord.. gagaan ang pakiramdam mo at magkakaroon ng kaparaan si lord sa lahat ng pag subok na damarating sa buhay naten.

Magbasa pa
6y ago

Paulit ulit na pala niya ginawa!!. Tama na siguro un momsie napapgod ka din.. alagaan nlng si baby pkita mo kaya mo nang wala cia.

Can you still marry a man like him? I hope not but I still respect if you answer otherwise. Alam naman pala nyang anak nya, he has the obligation to support the child. Fight for the right of your child in a legal way at least. We, mothers, should be empowered because we build nations. Manalangin ka na rin na sana matauhan sya sa mga maling ginagawa nya na nakakaapekto sayo ng sobra. Tama na ang pang aabuso sa mga ina.

Magbasa pa
VIP Member

Itabi mo tong picture as a sign of evidence. Then kung nakapirma sia sa birth cert ng bata kht di kayo kasal, may habol ka kc nsa batas un. Wag kang mawalan ng lakas ng loob. Need mo magpakatatag at maging malakas for your baby. Actually, I'm a single mom for more than 6 years before I met my husband now. Wala din akong nakuhang support sa papa ng anak ko but still I manage. Kaya Im sure kaya mo din yan 😊😊

Magbasa pa

Mabuti na din un na humiwalay n sa kanya, hindi mabuting tao ang asawa mo, hindi normal na isipan ung ginagawa nya, proud pa xa? Sa ngayon masakit, pero pag nkamove on kna at basahin muli ang mga mensaheng un, bka magsabi mo sa sarili mo buti nlang pla wala na kami. Mabuti mong gawin ay itaguyod ang anak mo ng wala xa, ma's mapapanuto buhay nya kaya mkasama ang Ama nya na walang kwenta at masamang ehemplo

Magbasa pa

tsk bakit ba kasi may mga taong ganyan 😔 be strong na lang po for your kids, ang mga ganyang klase ng tao ay hindi na mgbabago, pwede na nga mag file ng case para sa hindi niya pag suporta sa anak niyo, pero iprepare mo din ang sarili mo financially and emotionally once you filed a case. Seek advice and help from your family because they are the one who can help you. at importante ang pagdadasal. God bless

Magbasa pa
VIP Member

Humiwalay ka na sa kanya. Then make sure to fight for child support... May PAO naman na ibibigay sayo kung wala ka attorney at hindi mo afford ang fees... Malaki laban mo. Now, kung kaya mo naman mommy na buhayin si baby na ikaw lang. File for Solo Parent pero need ata 1 year na wala kayo communication nung father ni baby and wala siyang sustento na binibigay. Pwede yun kahit naka-surname sa father ang bata.

Magbasa pa
VIP Member

'Wag mo nang balikan 'yan. Ang kapal ng mukha. Kung wala ka namang problema sa pera pwede mong baguhin apelyedo ng mga anak mo at isunod sa'yo. AbOKut naman sa sustento pwedeng pwede mong ipakulong or kasuhan 'yang walang kwentang lalakeng 'yan. Nasa batas na dapat magsustento sya kung biological father sya. Pablotter o sa baranggay para magkaron kayo ng formality at sigurado ang sustento na hindi papalya.

Magbasa pa