chat frm my baby's father

Guys please uplift me. Nilalabanan ko yung sakit para naden sa mga anak ko. Matagal ako nagtiis sknya, away bati away bati, kasal na di natuloy, lageng pambababae pero pinapatawad ko. Until tumigil nko at sabe ko na ayaw ko na. Pagktpos ko manganak nanigurado lng pala sia na iapelyido sknya ang bata. Now 1month nden sia wlang suporta as you guys can see nman kung ano sinabe nia. Mag3mos plng baby ko. Advice nman guys ang hirap solohin neto ?? Yung message na yan galing sa messenger nia naopen ko via gmail.

chat frm my baby's father
535 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis! Walang kwenta yan mas mabuti pa hiwalayan mo yan at wag muna lilingonin ever ha! Kung ganyan sya magsalita sau at sa anak nyo meaning walang respeto at pakielam yan sanyo kaya bat mo pa pagaaksayahan ng panahon yan. Imbes na masaktan ka maging masaya ka atleast natuklasan mo kung gaano wsla sya kwenta bago mo naging asawa kesa kasal na kau mahihirapan ka maghiwalay kayo. Pls. Respect and live yourself first bago un mga walang kakwenta kwentang tao tulad nyan. God Bless to you and your baby sis! Kaya mo yan isipin mo na lang binigyan ka na ng warning ni Lord about sa ugali nyan.

Magbasa pa
4y ago

Thankyou sis 😌😢

Lakas ng laban mo para sa support ng anak nio mommy.. Pero buti nlng Dka nakasal sa knya Kung hindi habang buhay mo yang pgsisihan.wag mo na ciang isipin kung kaya mo nmng buhayin ang baby mo para Dka na rin mastress lalo nat kapapanganak mo lng din.. Isipin mo lng andian ang munting angel nasa sau.. Yan ang mgbbgay ng lakas ng loob sayo para mgpatuloy sa buhay mas mabuti na mommy na ngaun palang eh nghwalay na Kayo ng lalakeng yun atleast hanggang ngaun nlng ung sakit ng ulo mo sa knya. Kaya mo mommy.. Nanay tayo kakayanin lahat. Go lng ng go para sa baby natin.

Magbasa pa
VIP Member

Gago yang asawa mo ah pag nambabae okay na sa kanila,Di nila alam kung gaano kasakit sa atin yun halos gabi gabi pag di umuuwi asawa natin halos mamuti mata natin kakahintay at kakaalala kung ano na nangyari baka napano na o nambabae kaya di tayo nakakatulog ng maayos at halos baliwin na tayo ng asawa natin ,Kakapal ng mukha na ganyan hayssss ang sakit Dalawa pa naman anak mo,Dapat di mo na binayayaan ng anak yung ganyan dapat isa na lang anak mo kasi di naman matino para makita mo parin yung lalaki para sayo ,Haysss napaka hayup kala naman napaka gwapo niyan .

Magbasa pa
VIP Member

Nako mommy, Hirap ng may ganyang asawa. Kung ngayon palang ganyan na ugali nya, what if kung kasal at nakatali ka sa kanya babastusin ka nalang nya. Now pa nga lang minumura kana pati ng anak mo binabastos nya na parang wala syang pakealam sainyo. PABAYAAN MO SYA SA WALANG KWENTA NYANG UGALI. IKAW ANG KELANGAN NG BBY MO. Ikaw lang mas nakakintindi sa sitwasyon ng baby mo para sa kanya maging matatag ka. Pamukha mo jan sa lalaki na yan na DI NYA KELANGAN MAGMAYABANG KASE KAYANG KAYA MONG WALA SYA. PINAGMUKHA NYA LANG BOBO ANG SARILI NYA JAN SA KAUSAP NYA.

Magbasa pa

Mommy, focus your attention for now to your children and sa sarili mo. Ang mga ganyang lalaki ay hindi dapat pinanhihinayangan. It's God's way of showing na you deserve someone better. I-keep mo lahat ng conversation nya na may panget na content for evidence and then if you have gathered enough courage to deal with him you must file a legal case against him kasi kahit hindi kayo kasal dapat hindi nya pa rin pinabayaan mga anak NIYA. Sorry for the term pero wala siyang b*yag! Wala kang kasalanan Mommy, ipanatag mo sarili mo. God is good.

Magbasa pa
4y ago

Thankyou momsh 😭😭

para sakin tama yung ginawa mo sis na hiwalayan na sya napaka walang kwentang lalake, ganyan lalake ba ang gusto mong kalakihan ng anak mo? kung murahin ka akala mo kung sino hays Kaya mo yan sis, napaka immature! hayaan mo sya magpakasasa sa babae nya. Focus ka lang kay baby mo ikaw nalang aasahan nya, dasal lang sis single mom ako at kinakaya ko lahat para sa baby ko, one day makikita lahat ng anak naten yung mga sakripisyo naten para sakanila, Kahit na magisa lang tayo nagpalaki sakanila mahirap pero alam kong makakaya mo/naten. GOD BLESS!!!

Magbasa pa

Kapal ng mukha amf! Sampahan mo, dapat siya magsustento. Ipabarangay mo, ipahiya mo. Ipost mo itong comment niya sa social media para mapahiya siya. Hayaan mo gurl, may kasabihan na " you reap what you sow"... tatanda din yan, at dadating balang araw pagnaging ulyanin na at di na makalakad wala ni isang anak niya ang tutulong sa kanya. Hindi mo deserve yan Sis. Dadating din ang time mo, makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo. Maswerte ka at di mo pinakasalan yang gagong yan. Hayup, walang puso kahit man lang para sa mga anak niya. Gago.

Magbasa pa

Walang respeto tong lalaki na to. Dapat sa mga gantong klase ng lalaki tumatanda and namamatay na magisa. Wag na wag ka nang babalik jan, mommy. Clearly walang pagmamahal amd respeto yan sa'yo. Momsh wake up, kung icocompare naman itsure nya sa itsura mo eh lamang na lamang naman yung level mo. Wag ka na maghabol sa walang kwentang lalaki na yan. Pero kung ako sa'yo ipapa VAWC ko yan para magtanda and magkarecord. Napaka kapal ng mukha. Nakakagalit. Nakoooooo 😡😡😡😡 Be strong. God is with you and your children. Fight lang.

Magbasa pa
VIP Member

Wala ng kadahi dahilan pra makisama ka pa sa knya. Alam kong ramdam mo na agad ang ibig kong ipunto sayo jan momsh. E ano kung may anak kayo? 2 kayong magulang ng bata, hindi lang sya ang magulang. Buhayin mo magisa. Hindi dahilan ang anak pra magpatali ka sa isang tao na alm mong magiging impyerno lang ang buhay mo. Para ka lang kumuha ng bato na ikaw din mismo ang pumukpok sa sarili mo. Ako kasi ang babae na naniniwala sa mindset na.. "Ang lalake, bantayan mo man o hindi 24 hrs, kung mgloloko yan, magloloko at magloloko yan."

Magbasa pa

Mommy alam ko mahirap pero base dyan sa screenshot na yan, walang respeto sayo ang asawa mo. Kung gusto mo pa din tanggapin ang lalaking yan, wala ka talagang gagawin kundi pagtiisan yan. Pasalamat ka na lang din at hindi kayo kasal. Mas mahirap matali sa ganyan ka toxic na relasyon. Kawawa ka at kawawa mga anak mo. Kung ang iniisip mo ay hindi mo kaya na wala sya dahil sa sustento, isipin mo din mabuti, hindi ka din naman nya sinusustentuhan kahit tanggapin mo ulet sya. Allow yourself to be happy. Choice mo na po yan Mommy.

Magbasa pa