Hi guys. Gusto ko lang magshare. Ang asawa ko kasi nanakit physically, and emotionally, puro barkada pa, mabisyo pa and also nambababae pa. Full package na nga eh. Ilang years na din ako nagtitiis sympre para sa anak namin. Lalo na't babae pa man din. Live-in kami sa side ako ng lalake nakatira. Simula ng nagsama kami puro pamilya niya lang nagaalaga sakin, though inaalagaan nya naman ako pero MAS yung pamilya niya. Hanggang sa manganak nako, bihira nya lang ako tulungan sa pagaalaga sa baby namin. :( Pero tiniis ko kasi mahal na mahal ko. Broken fam kasi ako kaya sana ayoko maranasan ng anak ko yung kagaya sakin. Pinipigilan ako ng family niya, isipin ko daw anak ko. Di na kami nagkikibuan kahit magkasama kami in the same roof kasi naawa ako sa family nya nakikiusap sakin na wag ko ilayo saknila apo nila. Eh kaso kasi ako na yung dehado eh. Ask ko lang if kayo ba nasa sitwasyon ko tama bang pagtiisan ko siya alang ala sa anak namin and sa family nya na mahal na mahal kami?

69 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung ako sayo since sabe mo live in lang kayo at hindi kasal unang una wala syang karapatan saktan ka physically or emotionally kahit sino pa sya. baguhin mo yung mind set mo na para sa bata yung ginagawa mo. wala naman masama kung hiwalayan mo sya still may tatay padin naman sya yun lang hndi kayo magkasama. wag mo lang tanggalan ng karapatan yung live in mo para may father figure parin anak mo. wag mo ibaba sarili mo para lang masabe na buo pamilya mo....mabigyan mo man ng buong paMilya ang anak mo pero ikaw ang nakikisama sa lalaki kaya wala din silbi...wag ka din magpapakasal jan. may karapatan ka naman lumayo at ilayo ang anak mo sa pamilya nya. punta ka muna sa mga magulang or kamag anak mo tapos mag usap kayo para sa visitation rights ng tatay at yung sustento nya para sa bata. wag ka magpakaalila sa kanya habang buhay.

Magbasa pa