Hi guys. Gusto ko lang magshare. Ang asawa ko kasi nanakit physically, and emotionally, puro barkada pa, mabisyo pa and also nambababae pa. Full package na nga eh. Ilang years na din ako nagtitiis sympre para sa anak namin. Lalo na't babae pa man din. Live-in kami sa side ako ng lalake nakatira. Simula ng nagsama kami puro pamilya niya lang nagaalaga sakin, though inaalagaan nya naman ako pero MAS yung pamilya niya. Hanggang sa manganak nako, bihira nya lang ako tulungan sa pagaalaga sa baby namin. :( Pero tiniis ko kasi mahal na mahal ko. Broken fam kasi ako kaya sana ayoko maranasan ng anak ko yung kagaya sakin. Pinipigilan ako ng family niya, isipin ko daw anak ko. Di na kami nagkikibuan kahit magkasama kami in the same roof kasi naawa ako sa family nya nakikiusap sakin na wag ko ilayo saknila apo nila. Eh kaso kasi ako na yung dehado eh. Ask ko lang if kayo ba nasa sitwasyon ko tama bang pagtiisan ko siya alang ala sa anak namin and sa family nya na mahal na mahal kami?

69 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi natin deserve na mga babae na saktan at abusuhin, ng hirap tayo simula sa pag gawa at pag buntis at paka panganak wala tayo pahinga. Matiisin tayong mga babae lalo na para sa mga anak natin pero mali na ganyan ang sitwasyon mo. Lumaban ka mommy. Hindi natin deserve na apihin at saktan