Hi guys. Gusto ko lang magshare. Ang asawa ko kasi nanakit physically, and emotionally, puro barkada pa, mabisyo pa and also nambababae pa. Full package na nga eh. Ilang years na din ako nagtitiis sympre para sa anak namin. Lalo na't babae pa man din. Live-in kami sa side ako ng lalake nakatira. Simula ng nagsama kami puro pamilya niya lang nagaalaga sakin, though inaalagaan nya naman ako pero MAS yung pamilya niya. Hanggang sa manganak nako, bihira nya lang ako tulungan sa pagaalaga sa baby namin. :( Pero tiniis ko kasi mahal na mahal ko. Broken fam kasi ako kaya sana ayoko maranasan ng anak ko yung kagaya sakin. Pinipigilan ako ng family niya, isipin ko daw anak ko. Di na kami nagkikibuan kahit magkasama kami in the same roof kasi naawa ako sa family nya nakikiusap sakin na wag ko ilayo saknila apo nila. Eh kaso kasi ako na yung dehado eh. Ask ko lang if kayo ba nasa sitwasyon ko tama bang pagtiisan ko siya alang ala sa anak namin and sa family nya na mahal na mahal kami?
Anonymous
69 Replies
Latest
Recommended
Magsulat ng reply
Parang ang hirap, kasi pag pinilit mong umalis jan, baka magalit sila sayo kasi nilayo mo yung bata. Pag naman hindi ka umalis jan, ikaw din ang mahihirapan.
Kung palagi ganyan ginagawa sayo hiwalayan mo pero kung maayos nyo pa nmn why not pro kng tlga magbabago sya tangapin mp p sya kso pg hnd nko iwan mo nlng
Magtiis ka pinasok mo yan panindigan mong bagohin ang lalaki.kasi pinaniniwalaan mong mahal mo cya Talaga..kaya responsibility mo dn pagkatao kasi yan gusto MO.
1 iba pang komento
Anonymous
5y ago
parang tanga lang to
No. Di ka po si Rizal para maging martyr. Alam ko pong kaya nyo ni baby ng wala ang father nya. The more na kumakapit ka, the more na masakit mommy.
isipin mo c baby mo na kakalakihan ang ganyang pamilya mas magiging broken xa. walang cno mang babae ang worth masaktan. laban para sa ekonomiya
Pwd kanaman umalis tapos bibisitahin nlng ng mga parent ng guy ung baby mo.. Kesa mag tiis ka.. U deserve better. Be strong and pray always..
Mas magiging malaking epekto sa baby mo kung lalaki siyang ganyang kasing pamilya ang kamumulatan nya. Isipin mo baby mo at sarili mo mommy.
ako pag ganyan di na ako magtitiis. medyo mahirap yung hindi na nagwowork out relationship kasi isa nlng umaakay para maging matagumpay.
Sis, umalis ka jan. Not good sa mga bata. Lalaki silang nakikitang ganyan ang sitwasyon or makita kang sinasaktan ng papa nila.
kung ako siguro nasa sitwasyon mo mas pipiliin kong iwanan nalang sya tas bisibisitahin nalang ng magulang nya ang apo nya