Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko πŸ™ Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak akoπŸ™(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako πŸ˜ͺ , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak πŸ™ makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak πŸ™ pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na πŸ’” gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

Share my story b4 delete this app.
693 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hugs ❀.nakakalungkot naman sis..😒magpakatatag ka.. may plano ang Diyos.Isipin mo nlng may angels ka ng nasa langit.πŸ™β€

VIP Member

condolences mamsh, cheer up lng. in time ibabalik dn ni god yang mga anghel mo magtiwala klng. lots of hugs for you sis.❀️

condolence po sis don't worry ibibigay sin Lord ang baby name para sau talaga be strong and always pray sissy..

my deepest condolence momsh. be strong. May plano ang Diyos kaya nangyari ang ganito. Pray always and everything will be fine.

hug tight mommy..lakasan mo lang ang loob mo at wag mawalan ng pag asa..ibibigay pa rin NYA ang baby na nakalaan talaga sayo.

VIP Member

ang sakit ng dibdib ko nabasa ko ito kasi nawalan din ako ng anak...stay strong nlng po kayo hndi kayo pababayaan ni god...

VIP Member

condolence po mommy.. daratng din po ung time na bbgyan ka po ulit ni God ng chance.. everything is under God's control..

VIP Member

πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ’” keep strong mamsh, darating din yung panahon na babalik sila sayo. Trust god's perfect time. godbless po

Masyado ata kaung tag tag. Magpalakas ka ngayun mommy. Sa tamang panahon ibbgay din ulit sainyu. Be healthy po lagi.

mommy isipin nyo na Lang po may best plan si God sa inyo, always think positive kahit po, 😘 keep praying ingt ka po.