βœ•

Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko πŸ™ Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak akoπŸ™(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako πŸ˜ͺ , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak πŸ™ makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak πŸ™ pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na πŸ’” gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

693 Replies

Ganyan din po ang Tita ng pinsan ko, 3x sya napapaanak ng wla sa oras.. Nagpaalaga po sya sa doktor, wag po kyo mwwlan ng pag asa.. ngyon meron na silang one yr old daughter..

bakit ka nagpahilot te? mas sinunod mu sna ang doctor. bwal magpahilot ang buntis. kawawa nman mga baby mu😒 condolence mga baby alagaan nyo c mami nyo. angel na kayo😭😭

Im so so so so painful and i cant even describe too my emotions. Nagpreterm labor dn ako pero napigilan kasi nagstay ako sa hospital. mamsh sorry for your los 😒πŸ˜₯πŸ˜₯

Bedrest lang po all the time as in wag tatayo unless kakain or iihi pag mababa na ang matress Wag magpahilot. 1.4cm po ako since 20wks umabot po ako ng 36.2 cesarian date ko

Kung nagpa admit siguro sya,baka napigilan pa or naiready pag labas ng baby. Lalo pa’t nangyari na pala before,dapat nagdoble ingat. Kalungkot

TapFluencer

Condolence momshie, I know no words can comfort how you are feeling right now. But God has a plan, hindi mo man maintindihan ngaun pero laban lang mommy. Mahigpit na yakap po

premature din first baby ko last 2013 and luckily nakaya nya kahit oxygen lang πŸ™πŸΌπŸ˜­ now i'm 18weeks and sana makumpleto ni baby ang buwan para hndi sya mahirapan πŸ˜”

VIP Member

I've read about this and it's strongly recommended na wag mag pahilot pag bukas na cervix, pag may spotting or bleeding, or pag suffering from extreme nausea and queasiness

yes, nagask sya 2-3 days ago at andami nagsabi na wag sya magpahilot pero nagpahilot pa rin pala sya πŸ˜”

ito yung pinaka masakit sa lahat pakatatag kayo ng husban mo momy kaya nyo yan pray lang lagi kapit lang sa taas paraa saan pat mabiyayaan din kayo wag mawalan ng pag asa.

sa 1st ko po ganyan premature baby girl 24hrs lng po nabuhay .. ngayon po 6 months n tyan ko .. nag iingat n po ako .. condolence mommy.. mag ingat n po sa susunod mommy..

Condolence po momsh, next time po sa OB na talaga kayo lalo, sensitive kayo magbuntis. Para po natututukan ni OB progress ng pagbubuntis niyo po. Godbless po sainyo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles