Ano ba ang owede gawin?

Hello. Gusto ko lang sana mag rant. Sobra na akong nabuburyo dito sa bahay and sobra na rin nalulungkot. Feeling ko kase lagi akong mag isa. Pumapasok yung partner ko as service crew and lagi syang umuuwi ng late gawa nga ng laging ot. Minsan nalulungkot ako kase parang paulit ulit lang mga ginagawa ko araw araw. Kaming tatlo lng ng papa nya dto sa bahay and madalas dn wala yung papa nya. Ni wala akong makausap dito. Parang uuwi lang yung partner ko dto pra matulog, kumain at mag cellphone then pasok na uli. Okay naman sya kase working sya and ginagawa nya naman lahat pra makapag provide pero kase minsan gusto ko rin na yung atensyon nya bumaling naman sken. Gusto ko rin naman na kausapin nya rin ako. Tanungin kung okay lang ba ako. Kase sobrang naiinip na ako and nalulungkot dahil araw araw na lang paulit ulit lang ginagawa ko. Gigising, kakain, cellphone, work then tulog. Naka Sick leave ako ngayon kaya wala tlga akong magawa. Gustuhin ko man umalis at gumala kaso natatakot ako baka may mangyare samen ni baby since mabilis pa naman ako mapagod. May ibang way pa ba kayo para mawala yung gantong nararamdam ko? Hindi na ako naaaliw sa tiktok dahil puro stress lang yung andon. Ano po ba dapat ko gawin?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh! maybe it is best to discuss it with your partner po. tell him po ung nararamdaman mo especially kung sa palagay mo wala na kayong time sa isat isa. I can relate, Stay at home ako, alone. Si hubby ko nag oofis din from morning to afternoon, sa gabi naman may ibang commitments. so usually 10pm onwards na sya nakakauwi. kaya wala din time talaga. pero u know communication is the key. meet half way. tas pag day off or weekends make sure na makabawi sa isat isa. tsaka wag ka matatakot mag sabi sa partner mo ng needs mo lalo na if emotional support ang kailangan. :) kaya yan momsh.

Magbasa pa