KAILANGAN BANG BUMUKOD NA?

Hi, gusto ko lang sana hingiin ang opinyon niyo. Ang sitwasyon po kasi bale dito kami ngayon nakatira ng LIP ko sa parents ko. Nung nakalipat na siya dito okay naman ang lahat, parehas kaming may work kaya hindi nasho-short sa budget, pang-kuryente lang ang inaambag namin pati na din 2k na grocery. Nakapagipon pa kami kahit konti lang. Nung nabuntis po ako doon lang kami na-short sa pera nung nag-leave na ako. Si papa kasi parang on-call lang siya sa work niya so minsan hindi siya nakakabili ng ulam namin. Si partner ko na lang ang nagwo-work ngayon tapos sagot pa namin lahat dito sa bahay. Kuryente, tubig saka pagkain eh magkano lang naman kinikita niya. Nahihiya na ako sa kanya kasi parang siya tuloy yung bumubuhay sa akin at sa pamilya ko. Hindi din nakakatulong yung kapatid kong pangalawa kasi inuuna ang gala at inom. Naiisip ko tuloy na bumukod na kami pero inaalala ko lang na buntis ako ngayon mahirap kapag dalawa lang kami. Pero naaawa naman ako sa partner ko kasi halos walang matira sa sweldo niya dahil ako namin pati parents at kapatid ko. Pahingi naman po ng advice sa kung anong dapat gawin. TIA.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat una palang mie pag sasama nyo naka bukod na kayo ..Nakakaipon pa kayo at Mas na Mamanage nyo lahat Ng needs at Gastos nyo .. as long as kayo Ng partner mo may own space Lalo na Ngayon buntis ka Wala Ka sanang iniisip na stress kung Hindi ka maselan mag buntis wag mo isipin na di mo kaya na kayo lang dalawa lahat nagagawan Ng paraan Maawa ka sa partner mo na parang sugar Daddy na Ng pamilya mo Mas isipin mo ikaw at Ang binubuo nyong pamilya kung gusto mong tumulong sa parents mo Walang problema wag lang Yung ganyan na parang inaasa mo lahat sa partner mo na iistress din Yan kaka isip pano pag lumabas Ang baby nyo na Wala pa kayung ipon paano na?? tutulong din ba mga Kapatid at parents mo kung sakali?? Sana Mag isip isip ka sender para sa pamilyang binubuo nyo

Magbasa pa

Mas ok mamsh na bumukod kayo, ganyan din kami ng partner ko noon baliktad naman sa parents kami ni mister nakatira. Mahirap kase umaabot na rin sa point na nakaka stress na, pag wala na aabot si mister andon yung pag dadabog nila at mga parinig na salita. Gawin niyo mamsh kahit 4k to 5k rent at safe ang place hanapin niyong apartment at alam mong komportable pag bubuntis mo, walang masama kung susubokan niyo ni partner ng dalawa lang kayo mas gagaan pag bubuntis mo pag ang iniisip mo lang si baby at si mister mo.

Magbasa pa

Hmmm same sa scenario ko, nagstay pa kami ng kaunti sa bahay ng nanay ko pero umalis din kami. Kinaya naman po, basta may isa ka din kasama para pag kakain ka or luluto liligo, may magbabantay kay baby. Ngayon ay unemployed na ko kami lang ng baby ko, okay naman budgeting namin.. makaadjust ka din along the way momsh, sa una mahirap hehe pero laban lang. magbukod na kayo 😊

Magbasa pa

Bakit po maselan ba kau mgbuntis at mahirap ba ang mga gngawa mo ngaun na buntis ka? Kc kung hndi nman kaya mo yan. Hindi nman sakit ang pgiging buntis bsta dagdagan mo lng ng extrang ingat kc nga buntis ka. Kung normal lng nman ang pgbu2ntis mo kaya mo yan mas ok pa nga na nakabukod kau para nkakaipon at alam nyo ang buhay mag asawa.

Magbasa pa

Mas okay na bumukod nalang kayo kayong mag ina lang niya ang obligasyon niya at hindi pati ang magulang at kapatid mo lalu na’t sapat lang sa kinikita ng partner mo ang sahod niya..habang maaga pa mag disisyon napo kayo wag niyo na po hintayin lumalim ang sitwasyon niyo. Mahirap na. Ingat kayo palagi!🙂

Magbasa pa

Samin kasi mi ng partner ko eversince nagpakasal kami bumukod na kami then ngayon na nagbuntis ako saka lang ako nagstay sa parents ko pero hanggang makapanganak lang. Mas maganda talaga ang nakabukod mi, makakapagtrack kayo ng maayos lalo sa expenses pero depende padin sayo and sa partner mo.

mas maganda ang bumukod kayo, atleast alam nyo ang gastos nyo oo mahirap sa una ganon talaga pero sa mga susunod malalagpasan nyo din yang ganyan at mas matututo pa kayo sa buhay may pamilya

maganda talaga pag bunukod kayo sis..makakaipon pa kayo..