KAILANGAN BANG BUMUKOD NA?

Hi, gusto ko lang sana hingiin ang opinyon niyo. Ang sitwasyon po kasi bale dito kami ngayon nakatira ng LIP ko sa parents ko. Nung nakalipat na siya dito okay naman ang lahat, parehas kaming may work kaya hindi nasho-short sa budget, pang-kuryente lang ang inaambag namin pati na din 2k na grocery. Nakapagipon pa kami kahit konti lang. Nung nabuntis po ako doon lang kami na-short sa pera nung nag-leave na ako. Si papa kasi parang on-call lang siya sa work niya so minsan hindi siya nakakabili ng ulam namin. Si partner ko na lang ang nagwo-work ngayon tapos sagot pa namin lahat dito sa bahay. Kuryente, tubig saka pagkain eh magkano lang naman kinikita niya. Nahihiya na ako sa kanya kasi parang siya tuloy yung bumubuhay sa akin at sa pamilya ko. Hindi din nakakatulong yung kapatid kong pangalawa kasi inuuna ang gala at inom. Naiisip ko tuloy na bumukod na kami pero inaalala ko lang na buntis ako ngayon mahirap kapag dalawa lang kami. Pero naaawa naman ako sa partner ko kasi halos walang matira sa sweldo niya dahil ako namin pati parents at kapatid ko. Pahingi naman po ng advice sa kung anong dapat gawin. TIA.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas ok mamsh na bumukod kayo, ganyan din kami ng partner ko noon baliktad naman sa parents kami ni mister nakatira. Mahirap kase umaabot na rin sa point na nakaka stress na, pag wala na aabot si mister andon yung pag dadabog nila at mga parinig na salita. Gawin niyo mamsh kahit 4k to 5k rent at safe ang place hanapin niyong apartment at alam mong komportable pag bubuntis mo, walang masama kung susubokan niyo ni partner ng dalawa lang kayo mas gagaan pag bubuntis mo pag ang iniisip mo lang si baby at si mister mo.

Magbasa pa