KAILANGAN BANG BUMUKOD NA?

Hi, gusto ko lang sana hingiin ang opinyon niyo. Ang sitwasyon po kasi bale dito kami ngayon nakatira ng LIP ko sa parents ko. Nung nakalipat na siya dito okay naman ang lahat, parehas kaming may work kaya hindi nasho-short sa budget, pang-kuryente lang ang inaambag namin pati na din 2k na grocery. Nakapagipon pa kami kahit konti lang. Nung nabuntis po ako doon lang kami na-short sa pera nung nag-leave na ako. Si papa kasi parang on-call lang siya sa work niya so minsan hindi siya nakakabili ng ulam namin. Si partner ko na lang ang nagwo-work ngayon tapos sagot pa namin lahat dito sa bahay. Kuryente, tubig saka pagkain eh magkano lang naman kinikita niya. Nahihiya na ako sa kanya kasi parang siya tuloy yung bumubuhay sa akin at sa pamilya ko. Hindi din nakakatulong yung kapatid kong pangalawa kasi inuuna ang gala at inom. Naiisip ko tuloy na bumukod na kami pero inaalala ko lang na buntis ako ngayon mahirap kapag dalawa lang kami. Pero naaawa naman ako sa partner ko kasi halos walang matira sa sweldo niya dahil ako namin pati parents at kapatid ko. Pahingi naman po ng advice sa kung anong dapat gawin. TIA.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat una palang mie pag sasama nyo naka bukod na kayo ..Nakakaipon pa kayo at Mas na Mamanage nyo lahat Ng needs at Gastos nyo .. as long as kayo Ng partner mo may own space Lalo na Ngayon buntis ka Wala Ka sanang iniisip na stress kung Hindi ka maselan mag buntis wag mo isipin na di mo kaya na kayo lang dalawa lahat nagagawan Ng paraan Maawa ka sa partner mo na parang sugar Daddy na Ng pamilya mo Mas isipin mo ikaw at Ang binubuo nyong pamilya kung gusto mong tumulong sa parents mo Walang problema wag lang Yung ganyan na parang inaasa mo lahat sa partner mo na iistress din Yan kaka isip pano pag lumabas Ang baby nyo na Wala pa kayung ipon paano na?? tutulong din ba mga Kapatid at parents mo kung sakali?? Sana Mag isip isip ka sender para sa pamilyang binubuo nyo

Magbasa pa