I have no one to talk to..sana po mapansin nyo ako

Gusto ko lang po sana humingi ng advice kung ano po ang best thing na dapat ko po gawin. Madalas po ako magisa sa bahay kasama lang ang anak ko kaya wala po ako makausap. Hindi ko npo kc alam pa kung ano ang dapat kong gawin. OFW po mister ko, pero as of now working xa as private servce gamit po ang sasakyan namin. Buntis po ako sa 2nd baby namin..(13wks) 8yrs old na 1st baby namin. Last 2months po kc nagtalo kami, hindi ko po alam na buntis naq nun kaya po pla masyado aqng sensitive. Simula po nun tinago na nya ang account nya sakin na normally kung wala po syang iba ay never nya po ginagawa ang bagay na un. One time nabuksan ko po ang account nya at may deleted msg po sya sa isang babae at panay puso po sya sa pics nun. Nabasa ko rin na nagpost ang babae na miz na kita at nagreply naman ang asawa ko ng miz na din kita agad. Kinausap ko asawa ko tungkol dun pero sb nya biro nya lang daw un. Pinagbigyan ko po sya sa part na un. Pero nagtataka po ako na kung kelan dalawa na anak namin ay saka sya humihingi ng privacy sakin. Nagtalo kami ng matindi nung nakaraan na to the point na iiwan nya kami for the 2nd time pero di natuloy dhl bumalik xa para makipag ayos. Yung 1st time po ay nung mambabae xa sa kapwa nya kasamahan sa trabaho at iniwan kmi ng anak ko for 2yrs kht 2yrs old lang po ang anak namin nuon. Bumalik xa nung parehas clang mawalan ng trabaho sa barko at napauwi cla. Tinanggap ko..dhl auq ng broken family at naaawa aq sa anak ko. Kagabi lang nagaway na naman po kami. Reason? may pasahero xa na nagpapasama sa kanya at sasamahan daw nya kht 10pm pa yan at magmotor na lang daw cla. Bata pa ung babae at may bf. Nakita ko kung panu sya makipagbiruan sa babae, hnd nyo po ako masisisi kung bakit ko sya pinuna dhl nambabae npo sya nuon at literal na inabandona kmi ng 2yrs. After ko sya kausapin sa issue na nakita ko ay agad nya ulit pinalitan ang pw nya at inalis ang status na kasal kami. Maduda daw aq masyado at makitid daw ako. Sa klase ng pagkakakilala ko sa knya, hnd ko maiiwasan ang magisip. Hindi ko na ata alam kung paano ang magtiwala ulit sa kanya. Ano po ba ang dapat kong gawin? Salamat po sa sasagot sakin 😒

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

iwAn nyo nlng po, dagdag stress nyo lng po yan,ituon mo nlng po sa mga anak mo atensyon mo, ganyan din ung partner ko dati,kung kelan kme nagkaanak saka pa nambabae, yung akala ko nagwowork lng sya sa malayo, my ginagawa na rin plng milagro, kea pla sa twing hihiramin ko cp nya pag umuuwi sya nirarason nya lagi na sira na cp nya, nung minsan nkuha ko cp nya dun ko n nlman mga kalokohan nyang ginagawa, meron syang 3 babae, dinadala nya sa hotel, imbis na ung restday nya samin nya ibigay,hindi, nkikipagkita sya sa 3 nyang babae sa magkakaibang araw para lng maghotel sila, sa mga text nila na ang lalaswa sobrang nkakagigil, nakakababa bilang babae kasi meron nmn din ako vagina, bakit kailangan mghanap pa ng iba, di nmn ako nagkulang,kapag gusto nya khit pagod at puyat ako pumapayag ako,kahit gusto nya minsan araw,araw kami mgsex,cge na, kc nga asawa ka,pangangailangan nila yun, tapos mlalaman ko niloko nya pa ko dahil lng sa sex, sumobra ata sya ng kalibugan..kea hiniwalayan ko sya, walang 2nd chance,kc sa tingin ko di nya deserve, nih di nga sya nagsorry sakin,at pilit na dineny mga kababuyan nya, and now nkahanap ako ng partner n deserve ako, tanggap ako pati anak ko at npka.responsable..5yrs.leave in na kami at buntis ako ngayon 5mons. sakanya..😊 (sori mahaba na po🀣)

Magbasa pa