I have no one to talk to..sana po mapansin nyo ako

Gusto ko lang po sana humingi ng advice kung ano po ang best thing na dapat ko po gawin. Madalas po ako magisa sa bahay kasama lang ang anak ko kaya wala po ako makausap. Hindi ko npo kc alam pa kung ano ang dapat kong gawin. OFW po mister ko, pero as of now working xa as private servce gamit po ang sasakyan namin. Buntis po ako sa 2nd baby namin..(13wks) 8yrs old na 1st baby namin. Last 2months po kc nagtalo kami, hindi ko po alam na buntis naq nun kaya po pla masyado aqng sensitive. Simula po nun tinago na nya ang account nya sakin na normally kung wala po syang iba ay never nya po ginagawa ang bagay na un. One time nabuksan ko po ang account nya at may deleted msg po sya sa isang babae at panay puso po sya sa pics nun. Nabasa ko rin na nagpost ang babae na miz na kita at nagreply naman ang asawa ko ng miz na din kita agad. Kinausap ko asawa ko tungkol dun pero sb nya biro nya lang daw un. Pinagbigyan ko po sya sa part na un. Pero nagtataka po ako na kung kelan dalawa na anak namin ay saka sya humihingi ng privacy sakin. Nagtalo kami ng matindi nung nakaraan na to the point na iiwan nya kami for the 2nd time pero di natuloy dhl bumalik xa para makipag ayos. Yung 1st time po ay nung mambabae xa sa kapwa nya kasamahan sa trabaho at iniwan kmi ng anak ko for 2yrs kht 2yrs old lang po ang anak namin nuon. Bumalik xa nung parehas clang mawalan ng trabaho sa barko at napauwi cla. Tinanggap ko..dhl auq ng broken family at naaawa aq sa anak ko. Kagabi lang nagaway na naman po kami. Reason? may pasahero xa na nagpapasama sa kanya at sasamahan daw nya kht 10pm pa yan at magmotor na lang daw cla. Bata pa ung babae at may bf. Nakita ko kung panu sya makipagbiruan sa babae, hnd nyo po ako masisisi kung bakit ko sya pinuna dhl nambabae npo sya nuon at literal na inabandona kmi ng 2yrs. After ko sya kausapin sa issue na nakita ko ay agad nya ulit pinalitan ang pw nya at inalis ang status na kasal kami. Maduda daw aq masyado at makitid daw ako. Sa klase ng pagkakakilala ko sa knya, hnd ko maiiwasan ang magisip. Hindi ko na ata alam kung paano ang magtiwala ulit sa kanya. Ano po ba ang dapat kong gawin? Salamat po sa sasagot sakin 😢

38 Replies

mommy iwanan mo nalang. bawal ka po ma stress. isipin mo nalang po yung anak mo at baby mo sa tiyan. wag ka po papa apekto. problema lang po yan. uwi ka po muna siguro sa parents mo. mas magagabayan tayo ng magulang natin. please po. for the sake of the kids.

VIP Member

loko loko asawa mo ginagawa kang tanga ,alam niya kasing martir ka kaya alam niyang tatanggapin mo siya at alam niyang mahal na mahal mo siya,sa panahon ngayon iwasan mo muna stress mo ,nabwiset ako about sa pinatulan niya katrabaho niya ,kakagigil .

Iwan mo na sya, namimihasa lang sya na kaya mo pa din syang tanggapin kahit ilang beses ka nyang saktan. Kung iniisip mo yung mga anak mo, time will come maiintindihan nila kung bakit sila nasa broken family. Love yourself, di sya worth it tiisin.

VIP Member

naku po yang gnyang lalaki ndi na dpat tyinatyagaan, wag mo na ptagalin,bka matatlohan or apat pa anak mo ska mo marealize na sobra na,tma na ang dlwang pnloloko..aanhin mo nmn ang buong family kung niloloko ka lng nman at iniikutan sa ulo..

Minsan ang tamang solusyon ay ang kumawala sa sitwasyon dahil kung hindi ikaw rin ang magsa-suffer. Naniniwala kami na kayang kaya mo. Ang mga anak mo ang kailangan mo at hindi yang asawa mo. Magpakatatag ka momshie. Godbless you. 😇

Iwan mo nlang po, kesa mastress ka sa taong wlang pagpapahalag at wlang kwenta.. Kung nkaya mo po ng 2 yrs, makakya mo ulit yan.. Plsss po iwan mo nlang, kac ikaw lang din po ang mhihirapan sa araw araw.. Kung hindi pa sya mgbabago

Kung kaya mo naman buhayin anak nyo hiwalayan mo na po, Kung Hindi, hingi ka nalang financial support sakanya. Di mo kelangan ng ganyan na partner, malaking stress lng sya sa buhay mo lalo pa ngayon buntis ka po

ano bayan teh, pinag iisipan paba yan. may babae nayan.. pag nambabae ang lalaki gagawin at ggwin din nyalang yan ulit. lalo na alam nya na nakakabalik din namn xa sau pag gusto nya . mapagsamantalaga yan..

hello mommy... yaan mo.na sya ang isipin mo ang mga anak mo... huwag mo i stress. sarili mo....later on ma realize nya kung sino ba ang mas importante sa buhay nya..... keep on praying lng for guidance..

alam na. hindi ko man lang basahin iba comments, wag mo n din basahin kse ALAM NA. i dont think any woman here will say what it is that you hope to hear. ALAM NA. What to do next? ALAM NA DIN. (DAPAT)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles