MOTHER IN LAW KO SI CRYING LADY

Gusto ko lang po sana huminge ng advice sa mga kapwa ko mommy hindi po kasi kami in good terms ng mother in law ko ever since mag bf gf stage palang po kami ng partner ko until now na 1yr old na si baby.nung nalaman po ng mother in law ko na buntis ako sobrang galit na galit po siya samin lalo napo saakin na kesyo sinadja ko daw po magpa buntis sa anak niya.which is hindi totoo dahil that time paalis ako papuntang spain para mag work pero hindi na natuloy dahil nga sa nabuntis napo ako.then nag decide agad agad yung mother in law ko na paalisin yung bf ko papuntang states pero hindi pumayag yung bf ko kasi ayaw niya ako iwan kaya mas lalo nagalit yung mom ng bf ko hanggang sa pinapili siya kung yung greencard niya sa states o ako,mas pinili po ako ng bf ko kesa bumalik sa america kaya ngayon po kahit masakit para sa partner ko iniwan po niya ang buhay niya para po sakin. Hanggang ngayon po napaka sakit parin sakin dahil ako pa yung dahilan kung bakit hanggang ngayon nagagawang tiisin ng mother in law ko yung partner ko.kahit yung anak namin ayaw niya makita at kilalaning apo.hindi kopo alam kung ano bang pwede ko gawin para lang magkaayos sila mag nanay. Any advise po sana mga mommy.salamat po P.s: Adopted lang po ang partner ko ng mom niya

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It is PHYSICALLY DRAINING if our moving force is to make people love or appreciate us. We live in a world kasi na however good, responsible and selfless we are, there is always people who dont like us... I know it is always a struggle to feel unloved/ unaccepted by people close to us (in laws). Acceptance kasi is a basic need. Anyhow, if i were you, I will dwell on the positive part of life; my loving partner, my child, work, family etc. I will count my blessings. With this, I will come into realization na mas marami palang bagay na mas maging thankful ako and mas madami palang tao who accepted me and loves me for who I am. Regardless of how "cruel" she is to you, NEVER respond in the same manner. Kill her with your kindess, ika nga. You will never go wrong with kindness. Most importantly take good care of your husband and child. Be a wife God wants you to be. By that, she will realize that her son made a right choice in marrying/ choosing you. Just be yourself, be the best version of who you are. Most importantly PRAY for her. NO HEART IS BEYOND THE REACH OF GOD'S POWER. who knows, magiging closer pa kayo more than you knew and imagined. God bless you mommy. Life is beautiful🙂

Magbasa pa

Aww..Ang sad nman nun.. for me. Kung Hindi pa ready MIL mo na makipag ayos. Hayaan mo Muna sis. . Nasaktan din siguro siya sa nangyari. Alam mo nman tayong mga nanay gusto din natin Ang best sa anak natin kahit sobra n tayo😅, Give it a time sis.. mahihimas masan din MIL mo at gugustuhin din niyang mkipag ayos at Makita Apo Niya. 🙂 Wag niyo n lng iparamdam n nakalimutan niyo siya. Kamustahin niyo pa rin ska bigyan Ng picture Ng apo niya. . Ipag pray mo n lng din situation niyo ngayon. Bka may tinuturo lng si Lord sa Inyo Ng husband mo.

Magbasa pa

Natanong mo ba partner mo if bakit ayaw sayo ng mom nya? Siguro hayaan mo nalang muna mil mo if ayaw nya sa inyo or sa apo nya.. Marealize nya din na mali ang ganoong pag uugali.. sa ngayon ituon mo ang attention mo sa mag ama mo.. alagaan mo silang mabuti at asikasuhin para naman pag dating ng araw masabi ng mil mo na napabuti ang anak nya at apo sayo.. tsaka isa pa ipakita nyo sa kanya na maayos kayo biglang mag partner at maayos din ang buhay nyo like you can provide for your little one..

Magbasa pa

Pakitaan mo pa rin ng mabuti, suklian man niya o hindi. But don’t let her demeaning words define you. Live happily with your husband and wether tanggapin niya kayo or hindi, it’s her lost :) wag mo pagsasalitaan ng masama or gagantihan, at patuloy kayong ibe blessed ❤️

Kung ako sa lip mo pinursue ko yung green card. Then, once settled na sya sa US or ok na yung green card nya i-petition ka nya at ang anak nyo. Kahit anong ayaw sayo ng MIL mo as long as ok kayo ng LIP wala sya magagawa.

Mommy, pagdasal nyo po yung MIL nyo na lumambot puso nya. Mahirap po. Pero prayers can do miracles. Ganun din sa heart mo momsh, na wag mo rin patigasin puso mo at patawarin mo rin sya

wag mo nalang pansinin give her time para makapag isip kaya hanggat pinpatulan mo yan lalo sya magagalit , pasok sa tenga labas sa kabila ganun lang

Hayaan mo sya if ayaw nya. Magsasawa din yan. Basta maayos ang buhay nyo ng husband mo okay na un.