Needs some advice

Hi mga momsh gusto ko lang po sana huminge sainyo ng advice pasensya narin po kung medyo may kahabaan po. Ako po ay 24 yrs old na at meron pong 3months old na baby girl,yung lip ko naman po 25 na.nasa C.A USA po siya ngayon bale mag 1yr napo siya dun by dec. Gusto na po sana namin magpakasal last yr pa ang kaso po hindi natuloy gawa po ng biyenan ko ayaw po kasi makipag cooperate samin ayaw po noon magbigay ng parent consent na payag po siya magpakasal kami. Ever since po kasi mag bf/gf palang kami ni lip ayaw na po talaga sakin ng mom niya kesyo mahirap at pera lang daw po ang habol ko. lalo napo nung malaman niyang buntis po ako galit na galit po sakin,bakit daw hindi ako gumamit ng contraceptive,plinano ko lang daw po ang lahat para makuha ko daw ang anak niya. Ang sakit lang po kasi hinusgahan niya ako agad kahit hindi pa naman niya ko nakikilala. lahat po ng masasakit na salita narinig ko over the phone iniwan po kasi ako ng lip ko sa phone habang inaamin niya sa mom niya na buntis nga po ako. After pong sabihin ng lip ko sa mom niya na buntis po ako nagdecide po agad mom niya na need na niya bumalik ng states kinabukasan.hindi po pumayag si lip na umalis dahil ayaw niya pong iwan lang ako basta basta,lalo na delikado po yung pagbubuntis ko.Ang nangyre po pinapili po yung lip ko kung ako o yung mom niya.mas pinili po niya ako over his mom, kinagalit po yun ng mom niya Ang nangyare po pinalayas siya sa bahay nila at dinis owned siya bilang anak. Bale Adopted lang po kasi siya ng mom niya and yung nga po gusto na ni lip na ikasal na kmi nxt yr paguwe po niya ang kaso problema naman nmin ngayon yung Birthcertificate niya hindi po nmin alam kung legal po ba yung pagka adopt sakanya kasi wala pong lumalabas na record niya sa NSO. Until now na nanganak na ko wala parin pakielam samin mom niya at kamag-anak niya kaya nahihirapan po kami na malaman sa pamilya niya kung legal adopted po ba siya. sana po mapayuhan niyo po ako kung ano need gawin.maraming salamat po

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Punta na po kayo sa public attorney's office kasi usapang legalities po yan. And about po dun sa consent ng pagpapakasal nyo, nasa legal age na po kayo ng lip nyo no need na ng consent ng magulang as for legalities. Tho mahalaga din talaga yung blessing. Kaso yun nga, medyo nahihirapan ka sa magiging byenan mo. Punta ka na momsh sa pao. Libre lang consultation dun or kung di man libre, atleast cheaper.

Magbasa pa
5y ago

thankyou momsh😊

☝️