Breastfeeding frustration
Gusto ko lang po maglabas ng stress and baka may maadvice kayo sakin π 1 mo na po si LO ko and nagbreastfeed po siya sakin. Sa buong 1 mo po na yan, napakafussy niya at palaging gutom, maya't maya. Madalas di siya nakakatulog after drinking milk. Kaya after 30 mins lang iinom na naman siya, nagka sugat sugat na nipples ko. Sobrang pagod siya sa kakaiyak, ako sobrang pagod sa pagpapadede. So advise po ng mom ko, magsupplement na kami ng formula baka di enough kay baby yung milk ko at para makatulog din kaming dalawa ni baby ng maayos. 2 days palang kami nagbigay ng formula at minamake sure ko na nagbbreastfeed kami sa buong araw. Pero ngayon, parang kinalimutan niya pano maglatch. Inaabot kami ng 1hr or more than sa paglalatch palang. Naawa ako pero tinitiis ko para mpractice padin siya maglatch. Di ko alam bakit nakalimutan niya maglatch, e nagbbottle na din siya before sa mga nappump ko na milk. Haaay. Nakakafrustrate po mga mommies. Naiinis ako sa sarili ko kasi di ko maprovide ng maayos kay baby ang needed milk niya kaya kailangan pa magsupplement. Di katulad ng ibang mommies na umaapaw sa gatas, solb na si baby huhu. Nalulungkot din ako na wala na bonding time namin na baby. #firstbaby #1stimemom