Lungkot

Gusto ko lang po maglabas ng problema Naka bed rest po ako 1 month sobrang pinoproblema ko talaga is financial status namin, ok naman kami nung 2 pa kami nagwowork, pero sa ngayon partner ko nalang, ang sakit sa bulsa dami ko binibiling gamot ultimong ulam namin gustuhin ko mang masustansya pero hindi talaga maiwasan magtipid, na iistress lang talaga ako ultimong tuyo simula umaga hanggang gabi pinagtatyagaan ko sobrang naawa na ako sa partner ko 😣 gusto ko lang po talaga mag share ayaw ko kaseng magkimkim

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

halos same situation lang po tayo, ofw mister ko and wala work ngaun, may maliit ako na business na sakto lang din ung kinikita monthly para sa pambayad namin ng mga bills at pangangailangan, minsan kinakapos pa kaya nakakapang hiram kami sa mga pamilya namin. 18 weeks na ko and simula 5 weeks palang eh high risk pregnancy na ko kaya bed rest lang din up to now. sobrang dami ko rin iniinom na gamot at vitamins na ang mamahal. hayaan nyu po makakaraos din po tayo, magpaka tatag po tayo para maging healthy si baby. Dasal lang din po tayo lagi.

Magbasa pa
2y ago

19 weeks and 3 days po ako, same situation po, ingat po tayo lagi, Godbless!