Lungkot

Gusto ko lang po maglabas ng problema Naka bed rest po ako 1 month sobrang pinoproblema ko talaga is financial status namin, ok naman kami nung 2 pa kami nagwowork, pero sa ngayon partner ko nalang, ang sakit sa bulsa dami ko binibiling gamot ultimong ulam namin gustuhin ko mang masustansya pero hindi talaga maiwasan magtipid, na iistress lang talaga ako ultimong tuyo simula umaga hanggang gabi pinagtatyagaan ko sobrang naawa na ako sa partner ko 😣 gusto ko lang po talaga mag share ayaw ko kaseng magkimkim

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

laban lang po. as per my OB ok lang kahit di mo makain ung mga healthy basta naiinom mo mga vitamins mo and other meds. sa case ko kasi hindi ko talaga ma take mga fruits and veggies, sinusuka ko :(

2y ago

Salamat po, sa ngayon tamang saging lang ako since mura po dito. Sana makakain kana ng maayos