Frustrated

Gusto ko lang po mag sabi nang sama nang loob. Umpisa na nalaman nang family ko na buntis ako pinabayaan na nila ako. Di na nila ako kinakamusta at tinatawagan. Dati nang di pa ako buntis palagi silang nangangamusta pero ngayon wala na. Mag two weeks na. Kahit itx ko sila or mag try communicate wala talaga. Walang sagot. Sa kanila, para akong isang malaking kahihiyan sa pamilya. Di ko na alam gagawin. I'm 5months pregnant stress na stress na ako. ☹️ Sabi nila dati pag may problema, pamilya ang sandalan pero bat ngayon wala sila? ☹️☹️

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Mommy huuuuuug.. Baka kailangan lang po ng time ng family mo.. Tawagan niyo po kaya sila mommy.. Baka mas maganda po kung makausap mo po sila ng personal.. Iba pa rin po kasi yung nag uusap talaga kaysa sa text lang nangangamusta..