Stress ?

Gusto ko lang may makaintindi saken. Masakit kasi!! Meron na akong Anak na babae and my 2nd is Girl ulit. ❤️ One time narinig ko nag iinuman yung asawa ko at mga kumpare niya niloloko siya na "Babae nnmn anak mo pre." "Mukhang di ka mabibigyan ni Misis na little junior" "Try mo sa iba baka makalalaki ka" then, sempre lasing.. Sabi niya saken "Pag di mo ako nabigyan na anak na lalaki mag-aanak nalang ako sa iba." Durog yung pagkatao ko, Yung utak at puso ko. Sabi ko sge pwede naman pero hiwalay nalang tayo. I just love him all my life. Pero ang sakit ng ganun salita

93 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tingin ata sayo ng asawa mo aso . Sakin nyan sabihin ng asawa ko . Sya pagbubuntisin ko . Lintik sya kala nya andali manganak 😂😂

Hay naku. Sama naman nila. According to DNA studies sila nga may hawak ng chromosome na nagbibigay ng gender sa bata, Hindi Ang babae

Sabihin mo sis sakanya galingan nya kasi sa kama at mag research sya kung papano sya mag kakaroon ng baby boy. Effort effort din.

Grabe naman po asawa nyo, partner ko di sya namimili kung boy or girl basta maging healthy ang baby namin masaya na daw sya.

Depende po sa daddy kung ano magiging kasarian ng magiging baby. Bat ikaw sisihin nya? If I were you.. lalayasan ko yan 😂

Papuputukan ko sya ng 45 sa tenga para matauhan sya sa mga pinagsasabi nya.Napaka insensitive naman nyang lalaki na yan😡

May mga BI talaga na kumpare.. pag nag inuman ulet sila try mo lagyan ng pang purga pulutan nila ng magtae yang mga yan..

ang sisihin mo yung kainuman nya. mga ganyan klase ng kaibigan ng asawa dapat nilalayo kc may pasulsol pang nalalaman

VIP Member

Mga walang kwentang kumpare yon. Sinusulsulan lang non asawa mo. Kausapin mo pag di na lasing. Sabihin mo nasaktan ka

VIP Member

Buntis ka na nga, dagdag stress pa ang hubby mo. Grrrr sus, silaban mo lahat ng damit nya 😂 Ka inis!!! Sorry 😁