Inlaw issue
Gusto ko lang magshare sana ng sama ng loob ko. 2 years akong nagtiis hanggang ngayon pala nagtitiis parin. Nagsama kami ng boyfriend ko year 2019. Dahil sa wala pa kami pambukod tumira muna kami dto sa mga magulang nya. Lahat na ata ng discrimination narinig ko na sa mama nya. Halos araw araw ako nagtitiis sa ugali nya. Sobrang mapagpasensya ko kasing tao. Kaya hanggang ngayon nasasaktan parin ako not physical but verbal and emotional pain ang nararanasan ko ngayon. 1 year bago kami nakabuo ng boyfriend ko. Stress at pagod ang pagbubuntis ko ngayon dahil sa mama nya. Nandyan yong sisiraan ako sa ibang tao. Pag iisipan ng masama. At higit sa lahat mamaliitin dahil hs grad lang ako.. Lahat tiniis ko. Pero lahat tayo may hangganan ang pagtitiis. Gumawa ako ng paraan para malaman ng boyfriend ko na nagsasabi ako ng totoo about sa kung ano at paano yong mama nya sakin. Umalis kami ng asawa ko para mamili ng gamit at naisipan ko mag iwan ng voice recording gamit ang phone ko. At salamat kay Lord kasi di nya ako binigo. Kasi lahat ng masasakit at paratang nya sakin ay narecord. Sobrang sakit at sobrang nakakapanghina. Di ko lubos maisip na ganun ang mga sinasabi nya pag wala kami.. Apo nya ang nasa sinapupunan ko , pero nagawa nyang hilingin na mahirapan akong manganak. Marami syang sinabi about sakin sa voice record pero d ko nlng eshashare.. Kasi sobrang nakakasakit ... Mga momshie tama ba yong ginawa ko na magrecord para maipagtanggol ko ang sarili ko ? Kasi yon ung way ko para malinis ang pangalan ko lalo na sa boyfriend ko.. Gusto ko ng opinyon nyo at makikinig ako.. Salamat mga momsh..#1stimemom #advicepls #pregnancy #pleasehelp
Dreaming of becoming a parent