Pregnancy and Partner

Hello good day mga mommy! Gusto ko lang maglabas ng saloobin. Sa totoo lang di ko maiwasan mainggit sa mga nakikita ko sa socmed kapag yung hubby nila sobrang hands on sa pagbubuntis nila kahit first trimester pa lang like di mo kailangan sabihin na bumili na kung anong kailangan or dapat gawin. Wala rin sya idea sa mood changes or hormonal changes kapag nagbubuntis dahilan para mainis sya sakin madalas dahil may anger issues sya. Gusto ko sana nanonood sya or nagsesearch mga food or vitamins na need ko. Inaasikaso nya naman ako. Nag stop nga pala ako sa work pero ako pa rin nagbabayad sa lahat ng bills dahil nakabukod na ako matagal na at may ipon naman ako kahit papaano pero natulong sya sa food paunti unti gamit allowance nya. Estudyante pa ang partner ko sa College. Naghahanap na sya ng work kasi nakikita nya nauubos na ipon ko sa mga expenses at bills pero madalas nasama loob ko kasi gusto nya na magwork ako habang maliit pa tiyan ko kesa naman daw nasa bahay lang ako. Naiisip ko lang yung ibang lalaki pag buntis asawa mas gusto sa bahay na lang at alagaan sila. Gusto nya rin daw yung tipo ng babae na pag uwi nya bahay ay aasikusuhin na lang sya at makakapag pahinga sya. So sabi ko paano if one time pagod din ako kasi sabi ko mas nakakapagod sa bahay mas marami ginagawa lalo pag may baby. Pinipilit nya na mas nakakapag pahinga daw dahil nasa bahay lang at kung gusto ko daw sya sa bahay at ako ang magwork. Sabi ko ay payag ako dahil mas malaki ang kinikita ko sa papasukan nya. So napapaisip ako kung tamang lalaki ba napili ko.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello Mi. Valid naman po emotions ninyo Mi. Di po talaga madali ang pagbubuntis. Merong highs and lows. 1. Comparison is in need a joy stealer. We must know the strengths and weaknesses of our partners. It's best to highlight the strengths at pati na rin love language nila. Hubby ko kasi acts of service love language niya. Hindi ko na po ineexpect na may mga surprises siya in terms of gift giving. Pwede naman po pag usapan - open communication is the key. Sabihan niyo po ng expectations niyo from him now that you are pregnant. Sabihan niyo rin po ng limitations niyo ngayon and be open on the things that you are willing and able to do as a partner and the things you are uncomfortable doing e.g. cooking etc. Ang pag Compromise po talaga is a real key player. 2. Same scenario tayo Mi. I earn more than my husband pero di ko nalang yun iniisip. Nakakaraos naman po. Basta magtulungan lang po talaga sa finances focusing sa priorities. Needs more than the wants. 3. Now that we are pregnant we are prone po to overthinking and to really entertain unnecessary emotions. Woohh! Pag naiisip po natin mga negass. Dinadrop ko nalang po or minsan kahit nakakahiya sinasabi ko po talaga sa asawa ko mga naiisip ko.

Magbasa pa

Dapat mi nag try muna kayo mag bukod ng kayo lang para mas nakita o nakilala nyo ugali ng isat isa . ngayon palang Nakikita ko na iresponsable syang magiging asawa at ama . wala ka work so pano pag naubos yung ipon mo pano kayo ni baby lalo na pag nanganak kana tapos dagdag pa dyan kung ganyan mindset ng partner mo 😌 sa totoo lang mas nakakapagod pag nasa bahay kalang kesa nag wowork ka lalo na pag lumabas na yang baby nyo di ka na nya pwede sabihan ng mas mahaba ang pahinga mo kasi Pag nanay at housewife ka wala kang pahinga

Magbasa pa
8mo ago

nakabukod po kami sis na kami lang dahil nakilala nya ako independent na po talaga ako. Umaasa na lang talaga ako sa sinasabi nya na gusto niya ng magandang buhay para sa pamilya kapag naka graduate na sya.

for me, hindi dapat ganun ang attitude/belief ng isang partner. yan ang no. 1 NO-NO na belief ng isang lalaki na if you are the housewife, pagsisilbihan mo na lang sia at wala na siang gagawin pag-uwi ng bahay dahil pagod na sia sa pagta-trabaho. having a partner is having a support system. im a working mom. actually, mas mahirap ang maiwan sa bahay kesa magwork sa labas. id rather be single if ganyan ang magiging pananaw ng partner ko. magbibigay lang sia ng stress sakin.

Magbasa pa
8mo ago

Madalas kami mag away mi, actually nung una mas nakikita kong may provider mindset sya kesa now. Nangungutang rin sya sakin minsan pero binabalik naman nya. Ang isa ko pa inaalala lagi sila nagtatalo nung anak ko pati kami dahil di ko rin gusto nung way ng pagdedesiplina nya. Gusto ko kasi papagsabihan at eexplain kung bakit sa bata pero pang babae lang daw yun at lalaki anak ko kaya daw tumitigas ulo.