SAMA NG LOOB SA MGA BYENAN HABANG BUNTIS

Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Wala kasi akong makausap. Iyak ako ng iyak. Di ko alam anong gagawin ko para mawala sama ng loob ko. Ayoko maapektuhan si baby pero di ko mapigilan umiyak. Sobra na kasi eh. Sobra na sama ng loob ko sa inlaws ko dahil sa ginagawa nila sa asawa ko. Nagtatrabaho kami sa kanila. Sinuswelduhan nila kami pareho. Umalis kami pareho ng asawa ko sa aming pinagtatrabahuhan para sakinla. Ilang taon ng sunud-sunuran sa kanila ang asawa ko. Naging sunud-sunuran na rin ako. Nasa isang bubong lang kami. Wala pa kaming sapat na ipon para bumukod dahil sa napaka-liit na sweldo namin. Pinili namin mamasukan sa kanila dahil gusto din namin silang tulungan. Pero ang hindi ko matanggap, bakit kapag sa ibang tao tinutulungan nila. Pero ang sarili nilang anak hindi. May nasasabi pa nga silang hindi maganda. Feeling ng asawa ko ngayon wala syang kwenta. Sobrang sakit para sakin na ganun ang nararamdaman ng asawa ko dahil sknila. Dinedicate nya ang buhay nya para sa magulang nya pero in return, sama ng loob lang. Di ko alam paano namin to malalagpasan. Gustong gusto na namin bumukod pero wala kaming tiyak na magiging trabaho para matugunan expenses namin magasawa. Ang hirap para sakin na wag isipin mga problema namin pra di madamay si baby pero di ko maiwasan maiyak pag nakikitang malungkot ang asawa ko.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

First step momsh, isa muna sainyo maghanap ng stable at magandang work, then unang humanap ng marerentahan, then yung isa naman ang humanap ng work, mahirap talaga yan momsh, pero paunti unti lang, makaka bangon kayo mag asawa. Mahirap ang pagbukod at napaka gastos, pero once na naunti unti na, sunod sunod na ang ginahawa.

Magbasa pa
6y ago

Thanks momsh. Ganun nga naisip namin gawin. Sana makayanan namin ito lahat. Tapos ratsada pa yang mga balita sa cov19 na yan. Nakaka stress lali 😓