Hi gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Ayaw ko kasi mag open up to someone na kakilala ko, sabi nga nila mas masarap mag open up ng problema sa mga strangers kasi mas mapapayuhan ka nila nang maayos.
Nanganak ako last january 19 2021. Pangatlong apo na yung baby ko sa side namin at Unang apo naman sa side ng bf ko. Bf muna kasi di pa naman kami kasal ayaw ko munang tawaging asawa. 3 months palang yung tiyan ko umalis na siya for training. Isa siyang police trainee and this coming March palang siya lalabas meaning di pa niya nakikita yung anak niya.
After ko manganak dito ako dumeretyo sa bahay ng bf ko kasi mas maaasikaso daw ako dito. sa bahay kasi wala akong makakasama doon kaya dito nalang. Wala akong problema sa umpisa as in napaka smooth ng pakikitungo nila sakin maganda, maayos. Until nag one month si baby.
Lumabas si baby ng sobrang bait. Iiyak lang kapag gutom after non puro tulog na siya thats why di ako nahirapan btw, CS po ako. Nung nag 1 month na siya doon na nagbago ugali niya iiyak na parati di makuha agad yung tulog tapos namumuyat na siya. As first time mom, hirap ako magpatulog sakanya kaya naman sinasamahan ako ng byenan ko magpuyat at mag alaga kay baby.
Sa sobrang excited nila magkaroon ng baby dito sa bahay nila napaka hands on nila sa baby ko lalo na yung byenan ko kaya naman di ako nahirapan. Pero May mga pagkakataon na nararamdaman ko na balewala na yung ideas ko pagdating sa bata. Kagaya na lamang yung ang alam nila tama pero nakakasama sa bata. minsan gusto na nila painumin ng tubig eh hindi pa naman pwede tapos kapag sasabihin ko na hindi pa pwede (kasi acc naman yun sa pedia ni baby) ang sagot nila, "masyado ka nagpapaniwala sa pedia. mga anak ko nga wala pang 1 month pinainom ko na ng tubig nabuhay naman hindi naman namatay." yung paglagay ng mga oil at manzanilla sa ulo ni baby na according sa pedia di naman kailangan eh kapag sinabi kong bawal sasabihin nilang "pag di mo nilagyan ng ganyan papasukin ng lamig yang bata" na para bang ang sama ng loob nila sakin kapag sinasabi kong bawal. Paglagay ng suka sa pampaligo ni baby na di ko maintindihan kung bakit kailangan lagyan eh kaya nga maliligo para bumango at luminis kaso sa paglagay nila ng suka sa pampaligo niya di mas babaho siya. Marami pa pong mga bagay na palihim na di kami magkasundo ng byenan ko lalo na sa paglagay ng bigkis. Sumasama ang loob niya kapag inaalis ko yung nilalagay niya.
Di ko na po alam kung paano ako makikitungo sakanya nakakahiya naman pangaralan kasi lagi silang may sagot na "ganyan ang ginagawa ko sa mga anak ko di naman namatay"
Ano bang pwede kong gawin sa mga sitwasyon na ganito. Konting iyak ni baby pinapatahan ko palang kukunin na nila sakin tapos kapag may magtatanong kung sinong nag aalaga sarili nila ang binibida nila. Parang nawawalan ako ng role. Minsan pa paggising ko ng umaga wala na si baby sa tabi ko. Nasaknila na pala. Hays. #bantusharing #1stimemom
Anonymous