sobrang lungkot.. stress.. nakakadepress.. i want to die

Gusto ko lang mag post dito. I am 27 week pregnant 32 years old walang work sa ngayon nandito ako sa nanay ko. Pero sobrang lungkot ko at the same time galit na galit ako sa kapatid ko kasi napakayabang nya akala mo kng sino. Wala akong kaibigan mapagsabihan ng narramdaman ko. Yung tatay naman ng anak ko di ko alam kng ano talaga plano. Kng sincere ba talaga o ano nag papaasa lang parang kahit nabuntis nya ako parang feeling ko di ako masaya. Di nya ako naalagaan at feeling ko rin nagiisa ako. Ayaw ko na. Di ko alam gagawin ko naiisip ko tuloy kng masaya ba ako na nabuntis ako o ano? Kahit dito di ko na na explain ????

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Me too mamsh, stress ako ngayon. Actually kakatapos ko lang umiyak while writing a note of my pain. Minsan nga naiisip ko gusto ko na lang mamatay sa sobrang stress, minsan talaga hindi mo maiiwasan na magbreakdown ka sa nangyayare sayo, tinatatagan ko lng yung loob ko pero minsan talaga darating sa point na susuko ka talaga especially kapag hindu mo na kayang indahin lahat ng problema at sakit. Pinipilit ko lang talaga maging malakas at hindi magpaapekto para sa baby ko ngayon, I'm 32 weeks pregnant at 18 yrs old na po ko. I hope maging okay tayo mamsh, wag na tayo pakastress para sa baby natin, ang reason ko na lang para maging mas matapang at lumaban is si baby na nasa tummy ko, siya na lang yung reason para lumaban ako at labanan yung stress ko na hinaharap araw araw. Saka pray lang tayo mamsh magiging okay din ang lahat. Parang bagyo lang ang problema pero pagkatapos ng bagyo may rainbow naman na kasunod 🙂 stay strong mamsh. Wag ng mamoblema 😊

Magbasa pa