Idiot husband'
Gusto ko lang ishare sainyo ang nararanasan ko kung tama pa ba? May asawa ako na walang kwenta, paano ko nasabi? 2 na anak namin pero ganun padin. Cs ako sa dalawang anak namin, pero ni minsan di ko narinig na mahal nya anak namin at nag-alaga, ngayon kakapanganak ko lang uli sa pangalawang anak namin ang sakit bilang asawa ang sabihan ka ng "di ko naman anak yan" sa harap ng barkada nya. kakapanganak ko lang nung october pero grabeng pagod na naranasan ko, pagkalabas ng ospital parang aping api ung panganay ko, ang dungis dungis "mama dede" naiiyak nalang ako kasi di ko na alam sasabihin ko sa asawa ko, yung bahay di ko maexplain kung nagkagera ba? wala pang isang linggo, naglalaba na ko at naglilinis wala akong choice e. di ako makapagsabi sa magulang ko natatakot ako na baka mabroken fam ako kaya tinitiis ko lahat, kahit ano para sa mga anak ko, minsan nagsabi ako sakanya "tulungan mo naman ako" sagot nya sakin "tangina mo! bahala ka sa buhay mo, ako na nga nagtatrabaho hayahay kana nga" nakakaiyak lang kasi sa totoo lang kahit nagtatrabaho sya di padin sapat kaya nga pinapadalhan padin ako ng magulang ko ng pera kasi alam nilang di sapat ung pera ng asawa ko dahil sa mga luho nya sa katawan. nasasaktan narin nya ako physical di ko na alam gagawin ko.