Di ko na kaya
Di ko na po kaya.. pagod na ang katawan ko pero kinakaya ng isip ko.may asawa nga ako pero di ko ramdam ung pagiging responsableng tatay nya sa dalawang anak namin, kakapanganak ko lang nakikita nya pagod na ako lalo na napaka iyakin ng baby namin di na ko makakilos dahil ako lang ang nag aalaga sa baby namin ung 5 yr old kung panganay di ko na aasikaso na gi guilty ako para sa kanya. Kahit oras ng pagkain late na kami kumakain dahil sa asawa ko lang ako umaasang siya ang kikilos para sa amin, kahit nakikita nya kumakain ako karga ko pa din si baby di man lang nya ako tulungan. Nakakasawa na ung ganitong klaseng asawa. Kung buhay lang magulang ko uuwi ako sa kanila dahil alam.kung mas maasikaso nila ako pero wala na kung magulang. Wala ng ginawa asawa ko kung di asikasuhin ung bisyo nya sa kalapati di nga xa babaero pero napaka iresponsable naman, pasensiya na kayo wala lang ako mapaglabasan ng sama ng loob di ko na kasi kaya #advicepls