Paranoid gf

Gusto ko lang iconsult sa mga mommies dito yung behavior ng gf ko. Yung gf ko maganda, sexy, matangkad, maputi at sa casino nagtrabaho before. I'm aware na maraming nagkakagusto sakanya dahil naging workmates ko sya before. N Nabuntis ko sya at yun yung dahilan ng pagkatanggal nya sa work dahil parehas kami ng company at bawal sa company rules. Isa dapat ang magresign at sya na lang ang nagpaubaya. Hindi kami legal sa family nya at tinago nya hanggang 8 months ang pagbubuntis nya. Sa bahay lang sya nun at wala kasi syang mga kaibigan. Sa mga times na yun, lagi kami nag aaway at hinihiwalayan ko sya dahil nagiging nagger na sya at selosa. One time, nabasa nya sa messenger ko ang chat ni ex gf na kukunin ako ninong. Nabasa ng gf ko bago ko nadelete at galit na galit sya. Pag nag aaway kami hindi ko sya sinusuyo. Nalaman na ng parents nya at ngayon nakapanganak na sya 8 months old na baby namin at CS sya. Sa bahay nila kami nakatira. One time nakwento ko na may binibiro akong workmate at accidentally kong nahawakan yung boobs ng workmate ko. Dun galit na galit ang gf ko at iyak ng iyak. Hindi kaya may PPD sya. Nakakapanakit na rin sya pag nag aaway kami.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Unang una kuya, sya nag give up sa work nya kasi nga buntis sya at di pwede ma stress at magpagod. Pangalawa, sana mga lalaki maranasan nyong mabuntis ng malaman at maramdaman nyo yung pakiramdam ng usang buntis na moody at sobrang emotional. Kung moody kami pag may period, naku kuya, triple at quadruple pa kapag buntis. Yung ang sarap mag nag pag may nakita kang mali para sayo, sarap mag bulyaw na parang tinutubuan ka ng sungay. Lahat big deal. Ako nga kahit wala naman ginagawa mister ko, pag naliligo tinitignan ko mga messages nya kahit naka archives na yung di pa kami nagkakilala. At inaaway ko na sya sa isip ko. Sya pa kaya na may nababasa na mga recent na ganyan. Simula sa paglilihi hanggang sa third tri ay naku mahirap e explain. I tanong mo nalang sa nanay mo kung ano ang pakiramdam.

Magbasa pa