Paranoid gf

Gusto ko lang iconsult sa mga mommies dito yung behavior ng gf ko. Yung gf ko maganda, sexy, matangkad, maputi at sa casino nagtrabaho before. I'm aware na maraming nagkakagusto sakanya dahil naging workmates ko sya before. N Nabuntis ko sya at yun yung dahilan ng pagkatanggal nya sa work dahil parehas kami ng company at bawal sa company rules. Isa dapat ang magresign at sya na lang ang nagpaubaya. Hindi kami legal sa family nya at tinago nya hanggang 8 months ang pagbubuntis nya. Sa bahay lang sya nun at wala kasi syang mga kaibigan. Sa mga times na yun, lagi kami nag aaway at hinihiwalayan ko sya dahil nagiging nagger na sya at selosa. One time, nabasa nya sa messenger ko ang chat ni ex gf na kukunin ako ninong. Nabasa ng gf ko bago ko nadelete at galit na galit sya. Pag nag aaway kami hindi ko sya sinusuyo. Nalaman na ng parents nya at ngayon nakapanganak na sya 8 months old na baby namin at CS sya. Sa bahay nila kami nakatira. One time nakwento ko na may binibiro akong workmate at accidentally kong nahawakan yung boobs ng workmate ko. Dun galit na galit ang gf ko at iyak ng iyak. Hindi kaya may PPD sya. Nakakapanakit na rin sya pag nag aaway kami.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hormonal ang mga bagong panganak. At kahit hindi siya hormonal, bilang partner, wag ka kasing gumawa ng ikakaselos niya. isipin mo, hindi siya lumalabas ng bahay, nag aalaga lang ng bata. natural, kung anu-ano iisipin non mas lalo na kung sinubukan mo na siyang hiwalayan dati. kailangan mong iparamdam sa kanya na mahal mo siya at ang baby niyo at walang makakasira nun. you have to check your attitude din dahil tatay ka na. hindi naman tama na pinapatulan mo yung buntis/bagong panganak. iiwanan mo dahil dun? sorry ha pero ang babaw. mas pipiliin mong hindi lumaki ang anak mo ng buo ang pamilya dahil lang dun?

Magbasa pa