Paranoid gf

Gusto ko lang iconsult sa mga mommies dito yung behavior ng gf ko. Yung gf ko maganda, sexy, matangkad, maputi at sa casino nagtrabaho before. I'm aware na maraming nagkakagusto sakanya dahil naging workmates ko sya before. N Nabuntis ko sya at yun yung dahilan ng pagkatanggal nya sa work dahil parehas kami ng company at bawal sa company rules. Isa dapat ang magresign at sya na lang ang nagpaubaya. Hindi kami legal sa family nya at tinago nya hanggang 8 months ang pagbubuntis nya. Sa bahay lang sya nun at wala kasi syang mga kaibigan. Sa mga times na yun, lagi kami nag aaway at hinihiwalayan ko sya dahil nagiging nagger na sya at selosa. One time, nabasa nya sa messenger ko ang chat ni ex gf na kukunin ako ninong. Nabasa ng gf ko bago ko nadelete at galit na galit sya. Pag nag aaway kami hindi ko sya sinusuyo. Nalaman na ng parents nya at ngayon nakapanganak na sya 8 months old na baby namin at CS sya. Sa bahay nila kami nakatira. One time nakwento ko na may binibiro akong workmate at accidentally kong nahawakan yung boobs ng workmate ko. Dun galit na galit ang gf ko at iyak ng iyak. Hindi kaya may PPD sya. Nakakapanakit na rin sya pag nag aaway kami.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang po yun sa buntis,mas emotional po kase kame during pregnancy. Ang PPD ay pwede makuha after giving birth. All she need is,understand her flaws. Dapat po di sya umiiyak dahil nakakasama din kay baby yun. Mas dapat mo syang intindihin after nyang manganak dahil possible po na magkaroon sya ng PPD based na din sa nangyayari sa inyo ngayon. Give her assurance po and wag na wag mo syang hayaan na matulog ng masama ang loob.

Magbasa pa
6y ago

She already gave birth na po and 8 months old na baby namin. Lagi ko lang sya napapansin na ang babaw ng luha nya at ang bilis nya magalit at nakakapanakit na.