403 Replies
Un baby ko nun foskina na ointment nun namumula 2x a day po sya then nun nawala tsaka calmoseptine po. Super effective saamin un foskina isang apply pa lang namin makikita nanun difference. Yan po un reseta saamin ni pedia Tapos nagpalit din kami ng diaper from pampers and eq to huggies kasi pabalik balik un rashes. Ayun so far ok na po ndi na nagrashes si baby.
Sometimes wala sa diaper yan minsan nasa wipes na gamit natin. Ako I stopped using wipes na kasi napansin ko na ung wipes ang nagcacause ng rushes nia. Instead I use soft towel with warm water pag hinuhugasan pwet ni baby then baby soap after. Then banlawan using towel again with water. Diskarte lang mga momsh. Wag tamad tamad. Daanin sa tiyaga para iwas rushes
Ako ang ginawa ko nun sa baby ko nun nagka ganyan rashes nya. Sa dry pad ko sya pinapahiga lalo na pag tulog hindi ko nilalagyan ng diaper hinahayaan ko lang naka hang mag hapon yun. Tapos nilalagyan ko din ng zinc oxide no rush. One or two days lang wala na rashes nya. Try mo sis. Tapos panghugas mo sa kanya cotton with water. Wag baby wipes .
Yung mga mommies na nagaadvise dito wag nyo napo advisan ng kung ano ano. Baka itry pa nya lahat yan bago ipacheckup anak nya at mas makasama pa sa kondisyon ng bata. Encourage her na dalhin sa pedia kase hindi simpleng rashes yan. Kung ano ano pa sinasabi nyo ipahid e iba iba balat ng babies. Kailangan tingnan yan ng personal ng pedia.
Dahon ng bayabas na nilaga sya ang iyong iugas kay bhaby...tyaka hayaan nyo mna syang walang diaper kase mainit ang panahon need din ng pwet ng bhaby na masingawan kaya waq nyo nalagyan ng diaper tyaka ma'am ipa check up nyo sya sa pedia para maresetahan sya ng gamot or cream at baka need na palitan ang sabon ni bhaby..at diaper..
Kawawa naman si baby. Parang ganyan yung sa pamangkin ko, ako nalang talaga naawa sa bata, sinabihan ko yung asawa ng kapatid ko na tuwing tatae o puno na yung diaper ng Bata dapat iwash lagi hindi yung umaasa sa wipes. Lagi niyo po siyang iwash mommy kawawa naman si baby and try niyo po calmoseptine cream nabibili sa mercury.
what the F .. mamsh paano umabot sa gnyang kalalalang rashes yang c baby mo? tsktsk. kwawa naman. ako lang na ngka rashes dhl sa napkin masakit na. gnyang kalaki pa kaya. jusko 🤦 kung di na tumalab ang calmoseptine mag drapolene ka nlng. 300+ ang price baka mahiyangan na ng baby mo. napa check up mo naba sya? grabe eh ..
Thankyou sa mga advice mamsh, oki na pwet ni baby ko, nilagang dahon lang ng bayabas pinanghuhugas ko sakanya that time kase sabi lola ko wag dw dalhin sa pedia 🙄 wala ako magawa matanda yun, kaya sinunod ko sila. And yun super effective nung dahon ng bayabas na nilaga, nung umaga wala na rashes niya tuyo na 😊
Also, pwedeng sa brand ng diaper hindi sya hiyang. I remember sa una kong anak, a friend told me na okay yung mga imported na diaper sa palengke kase okay naman sa anak nya at napakamura compared sa brands na alam natin. Imbes na makatipid ako, nagkagalis galis pwet ng anak ko. Kaya get a better diaper di baleng mahal.
Saken yung lampien lang pero never sya ng ka rashes.. Sa hiyangan lang ata
Drapolene cream po mamsh. Sa baby ko din nun super pula talaga niya. Hinuhugasan ko siya nun sa maligamgam na tubig, punas ng malinis na lampin, tapat ko po sa electric fan (no. 1 lang) tapos lagay ng drapolene cream then pulbos na hypoallergenic (white dove gamit ko) and thanks God hindi na siya nagkakarashes.
Fulfilled Mom