Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭

Grabe anak ko, ang sakit! pinaranas mo sakin maging ina kahit nasa loob pa kita ng tiyan ko, sipa dito sipa doon, bukol dito bukol don paramdam ka ng paramdam sakin sa tiyan ko, Bakit ganun? kung kailan lumabas kana at nayayakap kana sana namin don ka namin di maramdaman tulog ka lang 😭 ang sakit sobra! Yung hirap ko habang naglalabor habang iniire kita at tinatahi ako akala ko yun na ang pinakamasakit na mangyayare sakin 😭 mas masakit sobra ang nawala ka agad samin Anak' Nakakatuwa pa naman kamukha mo papa mo, ang puti at kinis mo ang lusog lusog mo.. Pero ang hina ng puso mo at di mo kinaya πŸ˜₯ sana anak tulungan mo kami ng papa mo kayanin lahat to.. Babalik ka samin ha, hindi to magiging rason para panghinaan kami ng loob.. Ipagmamalaki kita anak, napakapogi at mabait kong anak.. Hindi mo pinakita samin na nahirapan ka ang aliwalas ng mukha mo para ka lang tulog.. Mahal na mahal ka namin DENVER ZION GREY.. 😭 pasensya na po sa mga nagmemessage sakin hindi ko po kayo kayang replyan pero sana sa post ko na to nasagot ko ang tanong nyo.. Salamat po sa pakikiramay..

Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭
1033 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same here momi kapapanganak ku lang last june 16 7 months lang sya nang nailabas ku naincubator naman sya kaya lang talagang dipa nya kaya mahina pa baga nya like ng kuya nya ganon din last 2014 nanganak na din ako 7 months di rin nabuhay pero may dalawa na kong baby gurl ngayon nakagitna sila sa kuya nila at sa bunso namin mahirap man kailangan tatagan para sa dalawa ku pang anak malagpasan mu din yan mami magkakababy ka pa ulet

Magbasa pa
3y ago

Post reply image