Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭

Grabe anak ko, ang sakit! pinaranas mo sakin maging ina kahit nasa loob pa kita ng tiyan ko, sipa dito sipa doon, bukol dito bukol don paramdam ka ng paramdam sakin sa tiyan ko, Bakit ganun? kung kailan lumabas kana at nayayakap kana sana namin don ka namin di maramdaman tulog ka lang 😭 ang sakit sobra! Yung hirap ko habang naglalabor habang iniire kita at tinatahi ako akala ko yun na ang pinakamasakit na mangyayare sakin 😭 mas masakit sobra ang nawala ka agad samin Anak' Nakakatuwa pa naman kamukha mo papa mo, ang puti at kinis mo ang lusog lusog mo.. Pero ang hina ng puso mo at di mo kinaya πŸ˜₯ sana anak tulungan mo kami ng papa mo kayanin lahat to.. Babalik ka samin ha, hindi to magiging rason para panghinaan kami ng loob.. Ipagmamalaki kita anak, napakapogi at mabait kong anak.. Hindi mo pinakita samin na nahirapan ka ang aliwalas ng mukha mo para ka lang tulog.. Mahal na mahal ka namin DENVER ZION GREY.. 😭 pasensya na po sa mga nagmemessage sakin hindi ko po kayo kayang replyan pero sana sa post ko na to nasagot ko ang tanong nyo.. Salamat po sa pakikiramay..

Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭
1033 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy! Condolence 😭 Be strong! Same tayo, may angel na tayo sa heaven, babantayan nila tayo. Halos 31 hours lang nabuhay ang baby ko, last october lang ako nanganak. Inalagaan namen ng sobra during pregnancy at ginawa din namen lahat para sa kanya pero pinahiram lang talaga sya samen. Sobrang sakit pero kinakaya. 1st baby sana namen. Sabi nila, may ibang plan si God para saten, yung para saten na talaga. Kapit lang tayo mommy, kaya naten 'to. Hugs! ❀️

Magbasa pa
Related Articles