Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭

Grabe anak ko, ang sakit! pinaranas mo sakin maging ina kahit nasa loob pa kita ng tiyan ko, sipa dito sipa doon, bukol dito bukol don paramdam ka ng paramdam sakin sa tiyan ko, Bakit ganun? kung kailan lumabas kana at nayayakap kana sana namin don ka namin di maramdaman tulog ka lang 😭 ang sakit sobra! Yung hirap ko habang naglalabor habang iniire kita at tinatahi ako akala ko yun na ang pinakamasakit na mangyayare sakin 😭 mas masakit sobra ang nawala ka agad samin Anak' Nakakatuwa pa naman kamukha mo papa mo, ang puti at kinis mo ang lusog lusog mo.. Pero ang hina ng puso mo at di mo kinaya πŸ˜₯ sana anak tulungan mo kami ng papa mo kayanin lahat to.. Babalik ka samin ha, hindi to magiging rason para panghinaan kami ng loob.. Ipagmamalaki kita anak, napakapogi at mabait kong anak.. Hindi mo pinakita samin na nahirapan ka ang aliwalas ng mukha mo para ka lang tulog.. Mahal na mahal ka namin DENVER ZION GREY.. 😭 pasensya na po sa mga nagmemessage sakin hindi ko po kayo kayang replyan pero sana sa post ko na to nasagot ko ang tanong nyo.. Salamat po sa pakikiramay..

Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭
1033 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maswerte pa po pala kami ng asawa ko kasi 1 month and 24 days nakasama namin sya pero sumailalim sya sa 2 surgery catheter pra mdugtungan ang buhay nio. May sakit din po sa puso ang anak ko 😭😭😭😭😭😭 new yrs baby ko po sya dis 2020 feb24 binawi nrin po sy saamin 😭😭😭😭😭

Post reply image
4y ago

ako 1st baby ko 3days lng sa amin,siguro sinubok tau ng panginoon pra mas matatag tau halos mabliw ako nun peo andyn lht ng tao pra gumaby sa akin.pinilit ko sarli kong aliwin sa trabho dti.pagsubok po yn masakit man lht ginawa ntin pra sa anak ntin inalagaan sarli ntin pra lng proktektahan sia .dyos n bhla sa atin πŸ˜‡

Related Articles