Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭

Grabe anak ko, ang sakit! pinaranas mo sakin maging ina kahit nasa loob pa kita ng tiyan ko, sipa dito sipa doon, bukol dito bukol don paramdam ka ng paramdam sakin sa tiyan ko, Bakit ganun? kung kailan lumabas kana at nayayakap kana sana namin don ka namin di maramdaman tulog ka lang 😭 ang sakit sobra! Yung hirap ko habang naglalabor habang iniire kita at tinatahi ako akala ko yun na ang pinakamasakit na mangyayare sakin 😭 mas masakit sobra ang nawala ka agad samin Anak' Nakakatuwa pa naman kamukha mo papa mo, ang puti at kinis mo ang lusog lusog mo.. Pero ang hina ng puso mo at di mo kinaya 😥 sana anak tulungan mo kami ng papa mo kayanin lahat to.. Babalik ka samin ha, hindi to magiging rason para panghinaan kami ng loob.. Ipagmamalaki kita anak, napakapogi at mabait kong anak.. Hindi mo pinakita samin na nahirapan ka ang aliwalas ng mukha mo para ka lang tulog.. Mahal na mahal ka namin DENVER ZION GREY.. 😭 pasensya na po sa mga nagmemessage sakin hindi ko po kayo kayang replyan pero sana sa post ko na to nasagot ko ang tanong nyo.. Salamat po sa pakikiramay..

Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭
1033 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

be strong momsie sobra po masakit tlaga ,ganyan din naramdaman ko..kinuha din agad baby ko smen..8 months ko kasi siya ipinanganak.thru emergency cs dahil pumutok na panubigan ko,hndi pa fully developed ang kanyang baga hndi nya din kinaya..may mga time na hndi makatulog ,at most of the time iiyak ka na lang..ipagpasadiyos na lang naten momsie..at ipagdasal po na kakayanin nyo magasawa..may.dahilan po ang.lahat..ngayon.po ay buntis na po ulit ako for my.2nd baby ..

Magbasa pa
Related Articles