Dear TAP and GRAB 💕
Ang munti ko lang kahilingan ay sana matulungan niyo po ako na makaipon para po sa nalalapit kong panganganak this coming july 11. Kahit gamit lang po nang baby ko para po paglabas niya may gamit na siya,ni isa po kasi wala pa kaming nabibili dahil yung ipon ko last year na para kay baby dapat nagastos na dahil last year din po dec. 5 naaksidente naman kami nang bf ko( dahil dun nagastos lahat nang pinagtrabahuhan ko at nang bf ko sa pag didispatcher. Hanggang ngayon hindi ako makabalik sa work dahil hindi pa ako lubos na makalakad nang mabuti nagkaroon kasi ako nang bone fracture(oblique) sa binti dahil sa aksidente na yun but until now hindi po ako naooperahan dahil kulang sa pinansyal at sinabi din po kasi nang doctor na kapag inoperahan ako mawawala yung baby sa tyan ko 😢 at yung bf ko naman po ay kakaopera lang po last feb binakalan po siya sa kanang hita yung ipon po namin ang ginamit para maoperahan siya at humingi din po kami ng tulong kung san san. At para naman po sana sa pagsisimula po ulit sana po matulungan niyo din po kami na magkaroon nang negosyo kahit sari sari store lang po para sa kinabukasan ni baby dahil hanggang ngayon po wala po kaming trabaho nang bf ko dahil sa kalagayan po namin ngayon lalo nat may pandemic 😢 .Kaya po sana matulungan ninyo ako.
Salamat po 💕
Magbasa pa