Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
759 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dear TAP and GRAB, Good morning po, ang wish ko po ay para sa aking ka live in partner na nag birthday noong march 16, first time po namin siyang hindi napaghandaan ang kangyang birthday kahit papansit lng po, kasi mas inuna nya po ang family ko, imbes ang pera nya ay para sa birthday nya, pinambili nya nang sakong bigas para sa pamilya ko nang dahil sa parating na lockdown noon. Simula noong nanganak ako noong jan 31, cyah nlang ang nagtatrabaho sa aming pamilya, hindi na ako nakapagtrabaho pa ulit, kayod kalabaw sya kung magtrabaho para sa baby namin, kung may overtime magtatrabaho yan para lang may pambili kailangan ng baby nya, first time dad kasi. Kahit my lockdown pa, may 28 nagtrabaho na sya ulit kasi daw ang hirap ng walang pera, ngayon ang problema namin, araw araw siyang naglalakad patungong trabaho nya, nakakapagod nga din naman, gusto nya daw bumili ng bike pag nagkapera siya ng malaki, eh paano nya iyon magagawa kada my pera, pinambibili nya ng bigas at mga kailangan ni baby. Naaawa na ako sa kanya, eh wala din naman akong magawa. Kaya ang wish ko lang po sana ay magkaroon ng bike ang kinakasama ko, parang birthday gift nlang din sa kanya sa lahat ng naitulong nya sa amin ng pamilya ko. Iyon lng po at maraming salamat sa pagbabasa. Sana ay palaring mapili ako. Salamat.

Magbasa pa
VIP Member

Dear TAP at GRAB wish ko po ay para kay hubby...gustong gusto nya po ulit mag karoon ng motor pang hanap buhay.. Isa po syang grab driver natigil po ang kanyang biyahi simula mabenta nya ang motor nya nung manganak ako sa baby namin last february 20 ngayong taon..kinailangan po namin ang pera pambayad sa panganganak ko.dahil na cs po ako wala po kaming mapag kuhanan ng.pambayad sa ospital kaya napilitan syang ibenta ang motor nya para sa amin ni baby para mailabas nya kami sa ospital .. Dun lang po kami umaasa sa kinikita nya sa pag bibiyahi simula po manganak ako at makalabas sa ospital wala napo kmi napagkukuhanan pang araw araw umaasa nalang po kami sa tulong ng kapatid nya hanggang ngayun..araw araw po si hubby nanghihinayang kung may motor sya makakapagbiyahi sya at kahit papano mag kakaron kmi ng budget lalo na at di sya makapag apply sa sitwasyon ng bansa natin ngayun.. Bilang asawa gusto ko po masuklian ang sakripisyo at pag aalaga nya saamin ni baby..wish ko po ngayung nag fathers day ay magkaroon sya ng motor para hindi napo sya nalulungkot dahil sa sitwasyon namin... Alam ko po na magiging masaya sya dahil pag makapag biyahi ulit sya ay may mapag kukuhanan kmi ng pang tustus sa pangangailangan ng aming baby. Salamat po TAP at GRAB sana po ay isa kami sa mapili. GOD BLESS😇

Magbasa pa

Dearest TAP and GRAB, I am 36weeks pregnant, ilang weeks na lang at manganganak na ko. Nung nabasa ko po ito, naisip ko na this is an opportunity and a gift to get my baby's essential needs. Pero the word "deserving" makes my mind think twice, pinag isipan ko talaga at ipinanalangin. Naisip ko its really better to give than to receive pero ako mismo ay walang work at may sarili pong pagkakagastusan. Kaya sana po sa tulong niyo po makapag share ako ng blessing sa mas deserving na makatanggap ng mga primary needs gaya po ng groceries. Naisip ko ay ang Kuya at pamangkin ko na two yrs old. Nalockdown sa Bicol ang Kuya ko since March 14, hindi pa makauwi pabalik. Naiwan ang baby nya dito sa Manila kasama ng nanay na wala ding trabaho. Isang messenger/delivery man ng isang small private sector si Kuya pero dahil nga 3months ng nasa Bicol, umaasa siya sa mahihiraman na mga kaibigan o kamag anak para po sana sa needs ng baby niya. Disapproved din kasi siya sa kahit na anong government financial aid. Kaya ang request ko po sana ay matulungan ang Kuya ko na mas deserving kaysa sa akin. Alam kong malaking malaking bagay kung mabibigyan ng pang gatas, diaper, tubig at mga biscuit ang anak niya kaya po sana matulungan niyo po ako na matulungan ang Kuya ko. Maraming Salamat po. Umaasa, Mommy MD

Magbasa pa

Dear TAP and Grab. I know maraming mommies out there including me ang nais maging winner at matupad ang kahilingan namin and I thank you for this opportunity na binigay nyo. Maliit man, o malaking kahilingan na matupad ninyo, ay blessing pa rin sa bawat isa lalo na sa panahon ngayon. At bawat isa sa mga mommies na sumali dito ay deserving na manalo :) kaya thank you pa rin nang marami, manalo man o matalo dito. Hihi. Ako bilang soon to be mommy sa August, I am wishing and hoping to be chosen as one of your winners, para mabigyan ko din ng gift yung magiging baby ko. Being unemployed sa ngayon, at umaasa sa parents ng magiging husband ko, nandun yung feeling ng pagkadown since you cannot buy those things na gustong gusto mong bilhin para sa first baby mo, hanggang add to cart nalang 😔At sa ngayon, hindi nalang for ourselves yung iniisip natin, but for our baby at nakakadown talaga kung hanggang tingin ka nalang sa mga gustong bilhin mo para sa kanya. So kung mapapalad man akong piliin dito, sana matupad yung hiling ko para kay baby na crib or bath tub hihi. Pero kung hindi man, thank you pa din, TAP ❤️God bless sainyo and sana patuloy pa rin kayo sa mga gantong events. Congrats sa mga mananalo. ❤️Keep safe and take care mga mommies!

Magbasa pa

@Dear TAP and GRAB Sana isa po ako sa mapili na ma grant ang wish sa inyong pa contest ,kasi matagal narin po akong sumasali sa mga pa contest dito pero hindi talaga ako nanalo.😁 Ang wish ko po sana ay magkaroon po sana ng munting negosyo ang aking pinaka mamahal na nanay,hanggang ngayon po kasi nagllabandera parin siya para matustusan ang aming pangangailangan sa bahay.btw nas probinsya po siya. tumanda nalang po siya sa ganung gawain simula ng mamatay si tatay yan po ang naging way niya para buhayin kaming pitong magkkapatid, naawa po ako sa kanya na ganun parin ang situation niya hindi niya man lang na experience ang maginhawang buhay,puro problema pero kahit ganun sobrang positibo parin siya sa buhay. hindi narin ako makatulong sa kanya lalo nang may baby na ako. sobrang napakalaking tulong po sa magulang ko kung isa po ako sa mapipili sa inyong pa contest. Bilang regalo ko narin po ito kay nanay sa darating na kaarawan niya.sobrang matutuwa po siya pagnagkataon.para steady nalang po siya sa bahay at hindi na sumakit mga katawan niya kakalaba. at hindi na siya mahirapan pang maghanap ng ibang pagkakakitaan para matustusan ang pang araw araw na pangangailangan. Maraming salamat .at sana marami pa kayong matulungan.☺️

Magbasa pa

Dear Tap and Grab, I’m ruth,31,first time mom and currently in my 12 weeks. OFW ako since 20 y/o palang ako kase ako na ang bumubuhay sa pamilya ko since patay na father namen when i was 16. for the past years of my life, ako lagi ang nagbibigay, never ako nakaranas na ako naman ang binibigyan, ok lang yun saken dahil alam ko naman mga responsibilities ko sa mga maliliit kong kapatid. Sa ganun tumakbo ang buhay ko, until this March nung hindi na ako nakabalik abroad dahil sa pandemic, nakabasyon kase ako dito sa pinas but unfortunately lumala ung Virus sa Bansang pinagwoworkan ko. From that month hanggang ngaun wala na ako source of income. And month of May nga nung nalaman kong buntis ako which is sobrang saya ko kasi po hirap ako magbuntis. Sabi ko sa sarili ko panahon na para sa sarili ko at sa magiging pamilya ko. Hindi ko pa mafigure out anu ba ang dapat ang gawin sa ngaun, but i know darating din ako dun by Gods grace. Hindi po ako maswerte sa mga ganitong game, but i will try my luck. Baka swerte ko na si baby ko ☺️ Wala po ko ibang kahilingan sa ngaun kundi isang puting crib para sa baby ko.. Pangarap ko kase magkaroon ng magandang crib at stroller ang magiging baby ko pero ok na po ko maski crib lang. Maraming Salamat po.

Magbasa pa
VIP Member

Dear TAP and GRAB. Sana po mabasa niyo po ito. Gusto ko po talagang gamitan si baby ko ng Cloth Diaper, pra ndi na siya gumamit ng disposable diapers, kaso po nagcheck ako online mejo mahal po pala ang isang piraso pwera pa po ang inserts, kahit po sna 10pcs lang ng Cloth Diaper. 🙏🙏🙏 At highchair dn po sana khit kahoy lang po, magsi-6months na po ksi siya this month, at magsosolid food nadin siya, pra po sna makaupo siya nh maayos.. Isa pa po ay pra sa husband ko, sna po ay mabigyan niyo siya ng rubber shoes pamasok niya sa trabaho, mula ng ecq ay wla siyang tigil kakatrabaho kahit na alam niyang delikado sa labas, isa po kc siyang frontliner(food industry/delivery helper) nang minsang nilabhan ko po ang sapatos niya ay nakita kong butas na ang ilalim nito at dinidikitan ko nlang ng shoeglue ang gilid dahil bumubuka ndin pero pinagtyatyagaan niya padin gamitin, dahil mas inuuna niya kming magina niya. Sa paraan po snang ito ay maibalik ko yung pagpapagod niya pra saming magina. Tiyak po na matutuwa ang asawa ko kung sakali man po na tugunan po ninyo ang request ko na to. Maraming salamat po TAP and Grab, at sa lahat ng bumubuo nito. Sobrang laking tulong pra saming mga mommies ng app na ito. ❤️😘

Magbasa pa
VIP Member

Dear TAP and GRAB. Sana po mabasa niyo po ito. Gusto ko po talagang gamitan si baby ko ng Cloth Diaper, pra ndi na siya gumamit ng disposable diapers, kaso po nagcheck ako online mejo mahal po pala ang isang piraso pwera pa po ang inserts, kahit po sna 10pcs lang ng Cloth Diaper. 🙏🙏🙏 At highchair dn po sana khit kahoy lang po, magsi-6months na po ksi siya this month, at magsosolid food nadin siya, pra po sna makaupo siya nh maayos.. Isa pa po ay pra sa husband ko, sna po ay mabigyan niyo siya ng rubber shoes pamasok niya sa trabaho, mula ng ecq ay wla siyang tigil kakatrabaho kahit na alam niyang delikado sa labas, isa po kc siyang frontliner(food industry/delivery helper) nang minsang nilabhan ko po ang sapatos niya ay nakita kong butas na ang ilalim nito at dinidikitan ko nlang ng shoeglue ang gilid dahil bumubuka ndin pero pinagtyatyagaan niya padin gamitin, dahil mas inuuna niya kming magina niya. Sa paraan po snang ito ay maibalik ko yung pagpapagod niya pra saming magina. Tiyak po na matutuwa ang asawa ko kung sakali man po na tugunan po ninyo ang request ko na to. Maraming salamat po TAP and Grab, at sa lahat ng bumubuo nito. Sobrang laking tulong pra saming mga mommies ng app na ito. ❤️😘

Magbasa pa
VIP Member

Dear, Tap and Grab ❤️ Ang wish ko lang po ay isang simpleng salo salo ng pamilya para sa hubby ko mag bi birthday sa June 22,.. di na daw nya iniisip ang bday nya kasi wala daw syang pang handa. ung pang handa daw ay gagamitin nlang para sa pangangailangan ng baby namin... nakaka proud lang kasi nagtitiis sya sa labas kahit subrang init at delikado para lang mabigyan kami ng makakain at needs ng baby namin. nagdedeliver po sya opo. nag ga grab bike po ang hubby ko. para po may pang gastos kami sa araw araw. sana isa ako sa mapili para sa ganun mapag handa ko man lang ang hubby ko at maibigay ko ang kanyang kahilingan na isang cellphone na magagamit sa pag ga grab lagi daw kasi nalolowbat ung isang cp nya sa byahe..at motor matagal na nyang pangarap yun.. kaso laging walang budget.namamanhid at pinupulikat na din kasi sya minsan sa subrang pag ba bike..minsan di makatulog ng maayos pag inaatake na yung paa nya.. hinihilot ko lang para maibsan ang kanyang narararamdaman yung lang kasi magagawa ko.. kaya sana po manalo para sa paraan na to mapasaya ko sya. at lalo sya ganahan mag trabaho.. minsan po nakaka awa kaso hindi daw sya pwede tumigil.. ❤️ Maraming maraming salamat po.. God bless po.

Magbasa pa
Post reply image

Dear TAP/GRAB Gusto ko po matupad yung pinaplano kong birthday party para sa panganay ko. Mag 3 yrs old na po sya sa July 1. Hindi pa po kasi nya nararanasan ang birthday party simula nung baby sya. Kahit po cake wala sya nung first at second birthday nya. Pancit at spaghetti lang po hnahanda namin. Sana po sa 3rd birthday nya maranasan nya po yung birthday party. Yung meron syang cake na iboblow. Yung magpaparty sila ng mga pinsan, kaibigan o kalaro nya. Yung magiging masaya po sya ng sobra. Yung makikita ko sa mga ngiti nya na enjoy na enjoy sya sa birthday nya. Sana po matupad yon. Hndi ko po kasi sure kung mabibigyan namin sya ng ganun na party. Lalo na sa panahon ngayon. Lalong humirap kumita ng pera. Ang hirap pumasok sa trabaho. Ang hirap mag isip kung saan kukuha ng pambayad at pambili ng pagkain sa araw araw. Syempre pag may pera po. Mas uunahin po yung mga bayarin at pambili ng pagkain. Sana po matupad po ung birthday party para sa anak ko. First time nya lang po magkakaroon ng birthday party. Sana kayo po ang makatupad non. Maraming maraming salamat po. Wala napo akong ibang hihilingin kundi ang kasiyahan ng dalawa kong anak. 💖 Maraming Salamat po. 💖 GOD BLESS!! 🙏💖

Magbasa pa