βœ•

759 Replies

Hello TAP! Ang wish ko ay hindi para sa akin, kung hindi para sa asawa ko. Simula nung magbuntis ako sa pangalawa namin, kailangan ko magresign dahil maselan ako magbuntis. Simula nun, asawa ko na ang gumastos sa lahat lahat at kumayod ng 12 hours sa loob ng 6 na araw sa isang linggo. Lahat ng sahod nya napupunta sa amin at sa mga pangangailangan namin, binibigay nya lahat ng walang pag aalinlangan. Ganon siya karesponsable at mapagmahal na ama at asawa. To the point na kahit pantalon or underwear (yes, underwear nakakatawa man sa inyong pandinig) hindi na nya mabili para sa sarili nya. Palagi ko naman sinasabi na okay lang na paminsan minsan bumilinng para sa sarili nya perp ayaw nya talaga, nanghihinayang sa pera na para na lang daw sa amin. Gusto ko igrab tong opportunity na to para sana siya naman ang maregaluhan at sakto pa sa Father's day. Gusto ko mafeel nya na appreciated lahat ng efforts, sakripisyo at selfless acts nya. Gusto ko sana siya naman kahit ngayon lang 😊 Thank you so much TAP sa mga ganitong oportunidad na binibigay nyo sa amin. Nakakatuwang isipin na dahil sa mga ganitong contest/event nyo, may chance kami maging happy kahit sa maliit na paraan.

Dear TAP and GRAB, I know there's really a small chance na mapili ako dito but I still wanna try my luck 😊 Gustong gusto ko kasi mabilhan ng phone yung partner ko. Gusto ko siyang bilhan mg phone not for leisure but because it is a necessity. Kaya nga kahit second hand na phone gusto ko sana siya mabigyan. For more than a year kasi iisang phone lang ang ginagamit namin. Wala kaming way of communication kapag nasa work siya at nasa bahay ako kasi kailangan niya dalhin ang phone sa work. Kaya lagi akong nag aaalala kapag late siya nakakauwi kasi hindi ako makakuha ng update sakanya kasi iisa lang phone namin. Before naman may phone kami parehas pero nagkaron kami ng crisis last year wherein naibenta niya yung phone niya at hindi na kami nakabili ng phone kasi mas maraming bagay kami dapat paglaanan especially now that we're expecting and nagkaron pa ng pandemic. Sana nga makabalik na kami sa work kasi hanggang ngayon umaasa nalang kami sa bigay na pagkain ng parents namin for our daily meal. Yun lang po, sana po mapili ako para mapasaya ko yung partner ko this coming father's day. First father's day kasi niya eh. 😊😊😊

Dear TAP&GRAB, Ako po bilang isang nanay gusto kong mabili kung maaari ang pangangailangan ko at ng anak ko. Pero sa totoo lang hindi pwede kasi may binubuhay akong anak ultimo skin care hindi ko magawa. Ngyon po ay naghahanap ako ng mapag kakakitaan para mabili ko yung gusto namin ng anak ko at family ko, wala po akong work since nagka anak ako kaya ngyon ngyon nagbabaka sakali lang ako mag resell ng mga food products so far hindi pa ganun kalakas pero sana hopefully matulungan ngyon ng TAP at GRAB para magkaroon ng mas mgandang opportunity para sa needs namin ng anak ko. Naasa lang ako now sa parents ko ang hirap kse may word na "NAASA" Kaya kahit mahirap lumabas labas para kuhain orders ginagawa ko para may pagkakitaan. Single mom kse ako now at ang hirap hingian ng tatay ng anak ko kse may bago na syang pamilya. 😭Pero kung mabibigyan ako sa wish at dinasal ko kagabi sana eto na yun!!!! Nanghingi ako ng sign kay god at nakita ko to TAP😭😍 Wish ko sana magkaroon ako ng puhunan pang bussinessπŸ™πŸ™ kahit ngyon lang sana ma grant para makasimula ngyong pandemic na no work no pay po. Thankyou TAP &GRAB

Good day po, i wish po sana na magkaroon kami nang soft bed para sa husband ko ngayong birthday niya this coming june 13, nakahiga lang po kasi sya sa sahig, di kami kasya sa higaan namin ngayun kasi mga unan yung nasa tabi ko kasi manganganak na ako this july kaya masakit na rin pag walang support at maliit lang yung bed namin. Kaya sinuguro lang nya yung safety ko lalo na't high risk ang pregnancy ko and bed rest lang kasi pang third pregnancy ko na ito pero failed yung dalawang pregancies ko before kasi premature and they dont survive. Hoping na maging okay na ang baby ko ngayun sa panganganak ko. And i know the sacrifices my husband for me and our baby inside me, kaya wish ko lang sana sa birthday niya ngayong sabado na maktikim na sya ng malambot na higaan.. Sana po isa po ako sa inyong mabibigyan kasi ito lang ang magawa ko para sa kanya dahil di pa ako pwede kumilos kaya hindi ko sya natutulungan dito sa gawain kaya alam kung pagod na pagod na sya sa mga ginagawa nya. So im praying for him to feel comfortable sa birthday nya. Thank you and good day.

VIP Member

ang wish ko po ay para sa asawa ko po. nais ko po sana na magkaroon siya ng motor o bisikleta na kanya po mismo. matagal na po siyang nakikihiram sa kuya niya po, nahihiya na rin po siya manghiram sa kuya niya kasi po napagsalitaan po siya ng asawa ng kuya niya na bakit raw po hiram ng hiram. gustuhin ko man pong maibili ang mister ko ng motor o bisikleta pero wala naman po ako trabaho o source of income. kung hindi naman po motor o bisikleta pong pangpasok ay nais ko po sana na magkaroon siya ng sapatos rubber shoes or black shoes na bago. size 40 po siya. at mga pantalon po. size 38-40 po. matagal na po niyang gustong magkaroon ng bagong sapatos pero hindi ko po siya mabilhan gawa po ng wala akong work at pandemic po. at ang wish ko naman po at para sa aking anak, sana po ay magkaroon siyang diaper na eq po at lactum na 1-3 years old po. palagi po kasi kami namomoblema lalo na yung asawa ko po kasi wala pong diaper at gatas ang panganay po namin na 1yr and 4mos po. lagi po siya namomoblema kasi po siya lang po nagtatrabaho. sana po mapansin at matupad niyo po ang wish ko.

VIP Member

Dear TAP & Grab, Good day! New and first time parent po ako to my 1 1/2 month old baby. Nagsisimula palang din po kami ng mister ko. Sa ngayon ay nakikipisan pa lang kami sa mga magulang namin, balak sana namin ay makabukod na by September. Parte ng aming panimula ay pagkakaroon ng sarili naming mga appliances, at ang priority namin at ang irerequest ko po sana para sa panimula ng aming munting pamilya ay refrigerator at washing machine. Bilang asawa at breastfeeding mama, malaki ang maitutulong ng refrigerator sa amin para makapagstore kami ng pagkain para sa ilang araw na hindi basta masisira gayundin na makakapagstore ako ng gatas para sa anak ko. Ang washing machine ay para naman mapadali ang aking paglalaba habang ginagampanan ang tungkulin ko bilang ina sa aking anak at gayundin pagkakaroon ng extrang oras sa bahay at asawa. Nawa ay pagbigyan po kahit isa man lamang sa aking hiling upang ang perang maipon namin pambili ay mailalaan nalang namin sa aming munting prinsesa dahil ang kanyang mga gamit ay puro napaglumaan. Maraming salamat po at mabuhay po kayo! 😊

VIP Member

Dear TAP and Grab πŸ’™β€πŸ’š, Sa ngayong feeling ko wala naman akong mahihiling na material things. Thankful na ako sa kung anong meron kami. Kahit wala kaming sariling bahay or sasakyan, hindi naman kami pinapabayaan ni Lord sa pang araw-araw. Gusto ko lang magkaron na ng cure sa pandemic, makapanganak ng maayos sa August, at maging safe, healthy and happy ang lahat ng mahal ko sa buhay. Kung may hihilingin man ako sa TAP and Grab, siguro ay pang kay baby boy na lalabas sa August. Medyo mahirap kasi mamili sa panahong ngayon. Para naman sa asawa ko, gusto ko sana siyang mabigyan ng wireless earbuds dahil matagal ko nang nakikitang nag browse siya sa Lazada ngunit dahil alam nyang may mga mas mahalagang bagay pang paglalaanan ng pera, lalo na't malapit na akong manganak, hanggang browse na lang ang kanyang ginagawa. Nais ko sanang maging gift iyon sa kanyan pati na din ang Mango Bravo ng Contis Bakeshop sa nalalapit na Father's Day. Sana ay may mapili kayong nararapat na taong tutulungan. Maraming salamat sa TAP and Grab. πŸ’™β€πŸ’š

VIP Member

Dear TAP and Grab, Malaking pagkakataon po ito para sa amin na matupad ang aming munting kahilingan lalo na kagagaling lng natin sa crisis. Meron po akong mga kahilingan at umaasa na kahit isa lng dto ay matupad. 1.nais ko pong masurpresa ang asawa q sa darating na father's day para kahit malayo sya samin at sa kabila ng pagod at sakripisyo nya samin ay masuklian. 2. Matagal na nais ng aking ina mgkaroon ng cellphone na kahit papano raw ay makita nya ang mga anak at apo nya kahit na malalayo cla. Pinag iipunan q na sana yung pambili q para sa cp nya at balak Kong surpresahin sya sa darating nyang birthday kaso nga lng naubos ang ipon na yun dahil nahinto rn trabaho ni hubby. Taga probinsya po kc kami at tlagang mahirap kumita ng pera dto. Kahit TV po kc wala ang mga magulang q dahil tinamaan kmi ng bagyong ursula nong pasko,nahulog sa pinaglalagyan nya, unti unti palang kmi bumabangon sa ngayon. Umaasa po na mapili at kahit anong tulong nalang ay aming tatanggapin. Maraming salamat po sa opurtunidad na mapakinggan ang aming hiling.

VIP Member

Dear TAP and GRAB, Alam kong deserving matupad and wish ko na magkaroon ng libreng grocery at gatas ng aking anak na dadalhin ng Grab dahil hindi pa rin kami makalabas at wala pa kaming trabaho sa kasalukuyan. Hindi na kami makakain ng masasarap na pagkain tulad ng mga fastfood. Pero di na namin masyadong iniisip yon dahil ang importante ay may kinakain araw araw ang pamilya ko.Ang asawa ko ay nagtitinda ng gulay kahit papano upang makabili ng pangangailangan namin sa araw araw. Ngunit, hindi sapat ito lalo na nakakalabas na at nakakapunta sa pamilihan ang aming dating mga suki kaya naman nabawasan na ang kinikita nya sa araw araw. Isang kahid isang tuka. Labis na naapektuhan pati ang pag aapply ko sa mga kumpanya. Ang asawa ko ay patuloy sa pag aaral sa kolehiyo. Ganon pa man, nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil binibigyan nya kami ng pagasa sa araw araw upang mabuhay at magtiwala sa kanya. "God will provide". πŸ˜‡πŸ™πŸ» Salamat at sana isa po ako sa inyong mapipili upang tuparin ang aking hiling. πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

VIP Member

DEAR TAP & GRAB I first thought of wishing for my son, but this time I'll wish for the person who always puts us first above anything. My husband and I will be celebrating our first wedding anniversary this coming June 22nd. I want to give him something since the last gift I've given him was way back 2018 on his birthday. It was some mushy love letters and sando shirts. He doesn't ask for anything, which I think is the more reason I want to give him something. He's an amazing person. The kind of husband any wife could ask for. A very respobsible man, always doing everything for us without complain. He always puts our son and I's needs before his. And so I wanted to give him something that I know would really make him happy. My wish is for my husband to finally have a bike. He wants one for quite a while now, but since we really don't have enough budget for it, it was put on hold. And so, if by chance I'm chosen as one of the lucky winners, that's what I wish to give him as an anniversary and a Father's day gift. Thank you.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles