Shara Jean Domingo profile icon
PlatinumPlatinum

Shara Jean Domingo, Philippines

Contributor

About Shara Jean Domingo

Going to be momma of 2

My Orders
Posts(7)
Replies(25)
Articles(0)

Sharing my baby's journey

Hi mga ma! It's been almost 2 months since I gave birth to this little brave fighter. Wala akong time makapagshare ng birth story ko but I will share it this time. This is a very long story but please bear with me. Worth it naman basahin. My EDD via lmp was September 1, EDD via transv naman is September 18. During my entire pregnancy, every check up ko pinapagalitan ako ng OB kasi ang laki laki na daw ni baby kaya need ko na magdiet. Here comes September 1, wala akong nararamdaman and mataas pa daw tiyan ko so lakad lakad lang ako. 2 cm dilated na ako. NagpaBPS kami and nasa 3.2 kilo na daw si baby so pinagalitan nanaman ako. Then here comes September 18, wala pa rin labor BPS ulit and nasa 3.8 kilo na si baby kaya binigyan na ko ultimatum ni OB at still 2cm dilated pa rin. September 21 dapat follow up check up ko at pag walang progress induce na talaga ako or worst case scenario is CS. Pero by September 19 ng 6 pm, nagstart contraction ko. 8pm that day we decided to go to the hospital na oag aanakan ko pero still 2cm dilated ako kaya pinauwi pa kami pero that night hindi na ko nakatulog kasi the pain getting worse. 6 am ng September 20, nagpadala na ulit ako sa hospital pero nag asikaso pa kami. Di kami nagdala ng gamit kasi we're expecting papauuwiin nanaman kami. Pero when we got there, inadmit na ko kasi 6cm na ako. Binigyan na ko ng pang induce and by 4:45 pm, nagstart na kami magpush but I cannot really push that hard, hirap ako huminga. 30 mins of pushing, hindi ko mailabas si baby. Sobrang pagod na ako, frustrated, nanghihina at naiiyak na ako kasi sabi ni OB humahaba na daw ulo ni baby and her heart rate is dropping. By 5:17 pm nagcontract ako, nag push ako kasabay ng pagdagan ng nurse sa tiyan ko and there! Baby out na. And nagulat ako kasi my baby was only weighing 2.8 kg. Nakakain na sya ng poops and she turned green na kasi balot na sya ng pupu din. Pinakita lang sya sakin saglit tapoa dinala agad siya sa NICU. Nirerepair ako ng OB for about 2 hours kasi ang laki ng laceration ko due to force pushing. By 11pm, dinala na ko sa room. Di ako agad dinala sa room kasi minomonitor pa ko kasi I have excessive bleeding down there and anemic ako. By the way, my water din not break at all. Lumabas si baby may water pa siya. Hehe. September 21 in the morning, I was waiting na maroom in si baby pero di siya niroom in sakin kasi under observation sya because she just ate her poo. That day na discharge din ako pero di kasama si baby 😭 September 22, nagtet na yung hospital sakin na ready na daw idischarge si baby. So we rushed to the hospital that day. The first photo was her photo when we got home. September 22, she started having fever. Her highest temperature was 40.1. Pinainom lang namin siya ng paracetamol. Her fever lasted for 3 days until we decided na dalhin siya sa pedia. As per pedia, need na sya agad iadmit sa hospital. Naiyak na kami kasi possible sepsis daw ang sakit ni baby 😭 so dinala namin siya sa hospital. Ang sakit makita na tinuturukan sya nung time na yun. Then yun we stayed sa hospital for almost a month. Her diagnosis was Meningitis, Sepsis and Jaundice. Sobrang fighter nya. She survived all those kaya sobrang precious nya samin. And now, look at her. Wala na syang leeg hehehe. Super takaw nya at super healthy nya ❀❀ All thanks to breastmilk ❀ Ang bilis ng panahon. My baby is turning 2 months tomorrow đŸ„°đŸ„°đŸ„°

Read more
Sharing my baby's journey
VIP Member
undefined profile icon
Write a reply