diagnosed with GDM

got my OGTT yesterday. sabi ni OB diabetic daw po ako. nakakasad dahil may mga risks po na kaakibat. nirefer nya po ako sa Diabetologist same hospital para mamonitor po yung sugar level ko and maturuan po ng mga dapat gawin. Will visit the Diabetologist in July 1. sa ngayon po, less rice for breakfast and lunch and vegetables salad with eggs for dinner. ang hirap po magdiet nung payat palang what more ngayong may cravings and 2 na kayo kumakain. ๐Ÿฅบ Pero lahat kakayanin! ๐Ÿ’ชsa mga same case po sakin, please share your experience and balance diet. It would be a very big help for those who will read the comments. Thank you po!โœจpraying for all the mommies, not just for those who have GDM but for all to have a healthy and safe delivery. ๐Ÿ™Œ

diagnosed with GDM
10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

GDM rin ako mi, diet controlled. Diagnosed at 24 weeks ngayon 33 weeks na kami ni baby. From 4x a day na sugar monitoring 2x a day nalang ngayon. Tyaga lang sa diet and exercise. Bawas muna sa carbs and sweets lalo na sa rice. Mas marami dapat ang veggies than protein and carbs. Wheat bread, nuts, no sugar peanut butter, low fat yogurt ang snack ko palagi. Kumakain pa rin ako ng fruits pero sinasabayan ko ng nuts para may protein para di magspike bs ko. Kaya mo yan mi, tiis muna para kay baby.

Magbasa pa