Non-pregnancy

Good pm mga momsh. Need help po. May bilas po ko (asawa ng kapatid ng asawa ko). Nakasama po namin sila sa bahay ng ilang buwan. Bahay po yun ng parents ng asawa ko. Yung babae po is tipong kahit naka-shorts at nasa harap asawa ko bubukaka siya. Deadma lang siya. Pinapabayaan ko lang siya nung una. Tapos hanggang sa umalis na kami sa bahay kasi nag sarili kami. Everytime naman na pupunta kami dun sa bahay lagi niya tinatawag asawa ko. Parang nagpapapansin ba. Nappraning kasi ako e. Feeling ko kasi bet niya asawa ko. Tapos iba kutob ko.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Halos same sis. As in minsan kita na cleavage niya tsaka singit niya wala siyang pakialam to think na puro lalaki kapatid ng asawa niya di niya manlang naisip yun. As in parang panty nalang minsan suot niya tapos yung cleavage jusko haha. Ako lagi ko inoopen yung sa LIP ko, kase yung LIP ko ayaw niya na ganun itsura ko kapag nasa labas kami, pag nasa bahay ( bahay ng parents ko kami nakatira ) okay lang kase kami lang naman madalas pero kapag sa bahay na nila ( kung saan nakatira mga kapatid niya tsaka asawa ng kapatid niya ) di na pwede. Basta sabi niya wag ko nalang daw gayahin 😅 mapapansin ko din sa LIP ko tsaka sa isa niya pang kapatid na ilang sila minsan kapag ganun yung babae. Parang hindi sila komportable na ganun yung suot at minsan pati actions ng babae iba.

Magbasa pa