Diaper rash

Good eve mommies. 9 months na si baby. Hindi sya nawawalan ng rashes. Parang 1 day lang ok na yung rashes nya, day after meron na naman.. Same pa din ang reseta ni pedia nya yung Forskina B and yung Rashfree. Pero kahit sinusunod naman yung pag aapply nung ointment, ganon pa din. Pag umaga, hindi na sya minsan nilalagyan ng diaper. Trinay ko na din yung Vaseline petroleum jelly. Nagtry na din kami ng ibang brand ng diaper. From EQ dry to pampers. Kaso parang lumala yung rashes nya sa pampers. Matagal na din akong hindi kumakain ng mga malalansa na pwedeng magcause ng allergy. Any advice moms? Plano ko sanang gumamit ng ibang brand ng ointment pero parang gusto ko munang magpaconsult sa ibang pedia. Thanks po!

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

try applecrumby or rascals and friends for my baby the best yang 2 yan. honestly di nagkarashes baby ko kahit di mapalitan magdamag except kung poop yung nasilip ko pagcheck palit agad kahit magising pa (ang hirap minsan palitan pag masarap na ang tulog, nagigising pag diaper na ang tinatanggal talaga unlike pag papasusuhin lang nakapikit pa rin sya kahit buhatin at itapat ang nipple) grabe sa dami umihi ang baby ko kaya ang ginamit na naming diaper kahit pricey (since birth nya) ay yung applecrumby chlorine free pag naubusan, yung rascals and friends pamalit namin.. wala kaming nilalagay na ointment or kahit petroleum jelly.. no wipes din kami as per pedia's advice (sa labas lang ang wipes pero bihira naman kami lumabas) more on cotton and warm water. then may diaper break sya na 1hr every morning bago liguan, nakalampin lang sya. so far effective sa baby ko for 3months na ganun ginagawa namin.

Magbasa pa

baby ko din sobrang prone sa rashes, nakailang diaper kami pero sa Happy Super Dry siya nahiyang. Plus, never use wet wipes or iwas cotton na din if mag change ng nappy, as much as possible, mag banlaw na sa cr, dun nalang hugasan using mild soap (gamit namin sa bumbum ni baby, johnsons baby soap) mahirap sa umpisa pero masasanay din kayo ni baby. We use oilatum ointment every change din ng nappy, may rashes man o wala. bihira nalang magka rashes si baby, pag hindi namin namalayan nalang na nakapoops pala siya. for the mean time, wag nyo po muna diaperan, lampin lang po tapos slightly nakabukas para mahanginan yung loob, pailaliman nyo lanv po ng changing diaper mat, around 100 pesos lanv sa shopee para hindi matagusan higaan nyo. :)

Magbasa pa

Hi mi! You can try changing the diaper brand. As much as possible yung manipis. NORASH yung gamit ko sa kanya. Free lang to sa kanya nung birth nya. Actually at night ko lang talaga sya nilalagay pero since summer ngayon, nilalagyan ko na din sya kahit umaga. Try mo mi, nilalagay ko din sya sa leeg and kilikili ni baby if napapansin kong nag sstart na yung pamumula. So far hanggang pamumula lang si baby. Frequent change din ng diaper mi. Kahit onting wiwi basta naka 2-3hrs na, palit na agad. Sa paglinis naman, water lang mi then pat dry po. Yan mga ginagawa ko kay baby mi, baka maka help. Sensitive skin din baby ko mana sa daddy nya 🥲

Magbasa pa

Same din sa baby ko.. 😔 Ngyon magtatry ako NG pampers baby dry, baka sakaling mahiyang.. Ang gamit ko nun huggies, eq dry, unilove, pero may rashes pa din.. ngyon nag ginagawa ko mamsh, nilalagyan ko NG polbo, iniiwasan ko lang mapunta sa face nya.. So far, okay naman sya.. D na kumapal ung rashes, meron man pero konti nlng, tska D na ganong ka irritable si lo since nilagyan ko polbo.. Tska pag nakita ko pong may ihi, pinapalitan ko agad.. Warm water mineral ginagamit ko mamsh at cotton, hinuhugasan ko, para ma wipe ung alat NG wiwi.. Every palit ko NG diaper binubudburan ko sya NG polbo.

Magbasa pa
TapFluencer

Try niyo po ang Rascal & Friends na diaper at siguraduhin po na mapalitan si baby every 3-4hrs kung may poop palitan din po immediately. Minsan po kung ano ano nailalagay sakanila mas nag i-irritate pa po skin nila ipahinga niyo po muna siya sa mga cream at ointment, pwede din po sa umaga wag niyo diaperan si baby kahit 1hour para sumingaw at mahanginan ang kanyang private part po.

Magbasa pa

wash nyo po ng mild soap and water every change ng diaper pag day time especially po pag nag poop. nakaka rashes kasi ung oils ng poop at pag nababad ang ihi. make sure po to dry the area bago po magdiaper. mainit po ang petroleum sa balat, try other diaper cream. try nyo rin po gumamit ng cloth diaper baka kasi hindi hiyang si baby sa mga disposable. ☺️

Magbasa pa
TapFluencer

Hi miiii .. Baka need mo na ichange ang diaper ni baby para ndi na sya mag rashes. or itry mo yung diaper rash na nagamit ko noon medyo mahirap na sya hanapin but, sa mercury ko sya nabili noon kasi nagchange din ako ng diaper ng baby NORASH ang name naka box ng yellow. Nagiging powder sya pag pinahid sa skin ng baby & sobrang bilis makawala ng rashes.

Magbasa pa

Aw mainit po pag petroleum jelly try mo po yung calmoseptine safe po yun and for Babys rash talaga sya... baka humiyang Kay Baby ko :) nasa 40Pesos po yun maliit na sachet

hello mii try other brands ng diaper like unilove, kleenfant and moose gear. para naman sa diaper rash try niyo po yong sa cetaphil na cream.

Hello sis try mo mustela diaper rash cream, dito hiyang mga baby ko. Tas wag mo muna sya idiaper kahit lampin lang muna or cloth diaper.