Reina Teylan profile icon
GoldGold

Reina Teylan, Philippines

Contributor

About Reina Teylan

Entrepreneur/ Soon To Be Mommy

My Orders
Posts(4)
Replies(125)
Articles(0)

PCOS to Pregnancy💕

Last September 2019 when I was diagnosed na may abnormality daw sa shape ng cervix ko and I have PCOS. Sabi ng Obgyne na nag check sakin, mahihirapan daw ako magkababy and reason din kung bakit hindi humuhupa yung breakouts ko and nadedelay yung period ko. Need ko daw mag medication and undergo ng mga vaccine para ma-normal yung hormones ko & prevention sa ibang sakit pa. At first, sobrang natakot ako. It was my dream to be a mom over any other profession since I was a kid. Natatakot din ako that time na mag pills, thinking na baka mamaya hindi kayanin ng katawan ko yung mga side effects. That time, ako lang din kasi mag isa yung nag mamanage ng business ko, kaya hindi talaga pwedeng maging mahilo-hin ako or anything. I was hesitant na bumalik ulit nun sa OB ko. Hindi ako naging comfortable sa unang encounter namin. Yung feeling na parang ang dami agad na dapat gawin and gastos. Tas parang ang bigat sa feeling. Nagbasa basa and nanood ako ng mga vlogs about PCOS. Hindi ako nawalan ng pag asa. Ni labanan ko yung PCOS ko with tamang diet and excercise. Niregular ko din yung pag inom ko ng vitamins like Iron and Vitamin C. May friend din ako na nagkaron ng PCOS, lagi daw sya umiinom ng malunggay tea and nakatulong daw sakanya. I tried, and it works sa katawan ko. Nag normal yung period ako, monthly meron na. Hindi na din ako inaatake ng sobrang pananakit ng puson and sobrang hilo kapag may ments ako & humupa yung break outs ko. Praise God! Then this March 2020, biglang hindi nanaman ako nagkaron. Iniisip ko that time baka naiistress lang ako gawa ng lockdown and ilang weeks na akong sarado sa boutique so baka triggered nanaman yung PCOS ko. April 2020, ang lala ng acid reflux ko lahat ng kinakain ko inaayawan ng katawan ko. Hinang hina din yung katawan ko. One day, after namin mag boxing ni fiance, biglang sumakit yung puson ko. Akala ko that day, first day ko na. Kinabukasan, biglang spot spot nalang yung lumalabas sakin. Tas nag stop na. Last week ng May 2020, nagwoworry na ako kasi hindi pa din ako nagkakaperiod. Pinag pray ko na sana talaga hindi lumala yung PCOS ko. Nag try ako mag pregnancy test. And voila, two lines!! Nagpacheck ako agad sa OB na mas malapit. Niresetahan ako ng pre natal vitamins and for pelvic ultrasound. Salamat sa Lord at safe naman si baby😊 So to my co-pcos sisters and future moms, wag po tayo mawalan ng hope & ma discourage agad. Laban lang, pray at tiwala lang sa tamang timing ng Lord sa buhay natin❤️ Aja! #pcos #firstbaby #1stimemom #theasianparentph

Read more
undefined profile icon
Write a reply