Covid Survivor

Good day po mga mommies gusto ko lang share experience ko nung pregnant while having covid. 37 weeks nagpacheck up ako sa Chinese Hospital and then pinaswab test na ko kase any time pwede na ko manganak at na explain din ng ob ko dun kung ano ang mga pwedeng mangyare pag nagpositive ka pag manganganak na. Medyo hirap na ko nun huminga pag umaakyat kami sa hagdan akala ko sa pagod lang. After 3 days I got positive na pala tapos natakot ako bumalik sa chinese Hospital dahil ang singil dun pag nanganak kang positive is 120 to 150 k so nag worry ako kase di naman ganon kalaki ipon namin. Everyday nag woworry ako na sana wag muna ako manganak grabe stress ko tapos sabayan pa ung nawalan na ko panlasa tapos di na ako makakain dahil sa plema sa lalamunan. At eto na nga after 3 days nagleak yung panubigan ko at kinabahan ako kung san ako pupunta na ospital. Kung public hospital mga kasama namin dun mga positive din. Pano kung negative pala ako at yung baby? kawawa kami dun. At eto na nga may tumanggap sakin na private hospital at Na IE ako pero 1 cm palang. Antok na antok ako nun at hinang hina siguro sa covid un. After 12 hrs nung nag leak panubigan ko 1 cm pa din tapos ang taas pa ni baby kaya nacs na ko. Sabi ng doctor numipis na daw matres ko at matagal na daw ako naglalabor siguro dahil sa stress at covid kaya nagkaganon pero thankful ako kase paglabas namin nag negative kami. Nagsisi nga ko na sana nung buntis palang ako nagpabakuna na ko. kaya mommies out there na kabwanan nyu na doble ingat tayo and pray po boost your immune system Inumin lahat ng vitamins sana makaraos na kayo Take care and God Bless.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Thanks for sharinf your story ma and for encouraging din to get the shot. Have you joined TeamBakuNanay in Facebook?

VIP Member

amazing story. Thanks for sharing momsh. Let us keep encouraging others to get vaccinated po.