Namimili Ng pasyente

Mga mommies share ko Lang po Yung experience ko sa hospital medyo mahaba po huh dito po malapit samin I'm from Laguna and kung Alam nyo po Yung Lugar sa Laguna na maraming falls dun po Yung place ko witch is in Majayjay Laguna ,Dito po samin may hospital po na Ang name is Majayjay District hospital so dun po Sabi sakin sa center na magpacheck up daw po ako dun kase dun daw po ako manganganak di padaw po kase ako pwede sa center kase first baby so nagpunta po ako sa hospital then Sabi Nung doctor dun na wag daw po ako dun manganak kase 19 years old palang daw po ako ih mag 20 nadin Naman po ako bago ako manganak so sya po nakikipagtalo sakin na kesyo bawal daw po talaga manganak dun Ng 19 pababa , ih madami din Naman pong case dun na may nanganak na mas bata pa sa 19 katwiran po nya is private patient daw po Yun mga Yun ih Isa dun Yung friend ko di Naman sya private wla Naman syang ob na binayaran dun tas Ang kulit ko po Sabi nya sige dito ka manganak pero pag may nangyari sa inyo Ng anak mo wla kaming pananagutan sa inyo , nakakasama Lang po Ng loob kase nasabi po na may sariling hospital sa Lugar nyo pero tumatanggi po sila Ng pasyente pano Naman po kung abutan ako Ng labor sa bahay tas dun Lang Yung pinakamalapit na hospital , pupunta pako sa iba , nagaalala Lang po ako sa baby ko baka mapaano sya if di ko sya nailabas agad kase ayaw nila akong tanggapin , Ask ko Lang mga mom's ano kayang pwede Kong gawin para malaman po ng municipality namin na ganon sa hospital namin???

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ganyan din dito samin. may valid reason naman sila kaya ayaw ako tanggapin. high risk pregnancy kasi ako nun, advise nila na manganak na lang daw ako a Provincial Hospital or sa Private Affiliate Hospital ng OB ko kasi mas kumpleto sila dun ng facilities. yung hospital kasi malapit samin, hindi kumpleto at nasabing idederetso rin daw ako sa Provincial kapag matagal ako magLabor.. so i decided na sa Provincial na lang manganak.

Magbasa pa
5y ago

Ako sis ok Naman lahat Ng result ng lab ko tyaka Yung ultrasound ko nakapwesto Naman si baby Ng maayos di Naman nakapulupot Yung pusod nya sa leeg nya and di Naman ako low lying pero wla ayaw parin nila akong tanggapin dun namimili sila Ng pasyente nakakasama Lang talaga Ng loob 😣, Kaya sa Provincial nalang ako manganganak kahit malayo samin

Hospital yan dapat kaya ka nila paanakin kahit ilang taon ka. Kaya ka nga dun ni recommend ng ob mo eh. Reklamo mo yan sis sa mayor nyo or brgy.

5y ago

Kaya nga po ih kompleto Naman po sila sa gamit at may aral Naman po sila pero di po nila ako matanggap dun namimili po sila public hospital Naman po bakit tatanggihan ako , Kaya nga po irereklamo po Ng mga magulang ko sa mayor po namin dito para malaman nila sitwasyon dun😩 salamat po sis😊